^

Punto Mo

Pilipinas, handa ba sa asteroid?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Isang asteroid ang bumagsak sa Pilipinas noong Setyembre 5 ng madaling araw. Pinangalanan itong 2024 RW1. Namataan ito sa Cagayan. Wala namang napinsala dahil napakaliit lang ng asteroid na ito na may sukat na 1-metro. Nasunog ito nang pumasok sa atmosphere ng daigdig.

Ayon sa European Space Agency, napakaliit kaya hindi naging mapaminsala ang asteroid na unang natuklasan ng research technologit na si Jacqueline Fazekas ng Catalina Sky Survey na isang observatory ng National Aeronautics and Space Administration ng United States.

Tuwing ikalawang linggo karaniwang merong mga asteroid na pumapasok sa atmosphere ng daigdig. Bihira itong mamataan ng mga astronomer dahil sa kaliitan. Pangsiyam ang 2024 RW1 na namataan pagpasok sa daigdig. Naging tampok na balita sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa pagbulusok ng 2024 RW1.

Matatawag na bulalakaw ang 2024 RW1 batay sa depinisyon dito ng astronomiya. Isa itong maliit na asteroid o meteoroid na kasingsukat ng napakaliit na mga bato.  Tinatawag na itong meteor kapag nakapasok na sa atmosphere ng mundo.  Napakabilis ng pagbulusok nito sa kala­ngitan ng daigdig kaya nasusunog at lumilikha ng mga guhit na liwanag na tinatawag na shooting star. Kapag merong meteor na hindi  naabo at nakalapag sa lupa, tinatawag na itong meteorite.

Tila wala namang panganib sa mga meteor.  Ayon sa Catalina Sky Survey, inuulan ng halos 100 mga tonelada ng mga abo ng meteor ang daigdig araw-araw. Bawat taon, ilang beses bumabagsak sa mundo ang mga bagay na kasingsukat ng asteroid.

Itinuturing na pinakamapanganib ang mga dambuhalang asteroid na mas malaki sa isang kilometro dahil magiging delubyo ang epekto nito sa mga buhay sa daigdig. Papatay sa isang planeta ang asteroid na mas malaki sa 10 kilometro na tulad ng asteroid na tumama sa mundo may 65 milyon na ang nakararaan na pumuksa sa mga dinosaur.

Marami nang pag-aaral ang isinasagawa ng mga awtoridad kung paano maililigtas ang daigdig sa mga dambuhalang asteroid sakaling meron ditong dumiretso. Noong 2022, isang spacecraft ang sinubukan ng NASA na pasabugin ang isang asteroid na nagawa namang magbago ng tinutumbok na direksyon.  Kabilang din sa pinag-aaralan kung paano matutunton ang asteroid na magiging banta sa daigdig habang napakalayo pa nito.

Wala pang bansang matatawag na ganap na handa sa panganib na idudulot ng mga dambuhalang asteroid pero nagpapatuloy naman ang mga pag-aaral, pananaliksik at eksperimento ng mga kinauukulan.

Magandang tanawin sa kalangitan ang pagbulusok ng maliliit na asteroid tulad ng sa 2024 RW1 na bumulusok sa bansa. Ang tanong handa ba ang Pilipinas sa mga dambuhalang asteroid?

-oooooo-

Email: [email protected]

RWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with