^

Punto Mo

Maid of Honor (236)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Ikinuwento ni Yana kay Ate Bianca na mag-sweetheartt na sila ng kaklaseng si Ram.

Tuwang-tuwa si Bianca.

“Sabi ko na nga ba at magiging mag-on kayo ni Ram. Palagay ko masuwerte ka at si Ram ang naging siyota mo,’’ sabi ni Bianca.

“Bakit po Ate?’’

“Mabait si Ram. Damang-dama ko yan!’’

“Oo nga po Ate. Yun po ang una kong napansin sa kanya. Tahimik siya at pati­ngin-tingin lang sa akin nun.’’

“At bukod sa mabait, guwapo pa. Saan ka naman nakakita ng lalaking mabait na ay guwapo pa—si Ram lang yun. At bukod dun, kayang-kaya kang ipagtanggol sa mga bastos na lalaki. Di ba pinagtanggol ka ni Ram sa dalawang lasing nun?’’

“Opo Ate. Mahusay  pala siya sa martial arts. Natalo niya ang dalawang lalaki na bumastos sa akin.’’

“See! Kaya napakasuwerte mo, Yana. Huwag mo nang pakakawalan si Ram. Di ba nabanggit mong nag-iisang anak si Ram?’’

“Opo. Anak siya sa labas.’’

“Sa akin walang kaso kung anak siya sa labas—ang mahalaga, mabuti siyang tao at magiging mabuting asawa.”

“Oo nga po Ate. Ipinagtapat po agad sa akin ni Ram na anak siya sa labas. Ang papa yata niya ay president ng kompanya.’’

“Ganun ba?’’

“Pero may isa pang ipinagtapat sa akin si Ram tungkol sa kanyang mommy.’’

“Ano yun?’’

“Napakayaman po pala ng mommy niya. Pinamamanahan po ng bilyong piso ng mga magulang nito.’’

“Talaga?’’

“Naikuwento po sa akin iyon ni Ram dahil balak po niyang pagbakasyunin sa probinsiya ang mommy niya. Inialok ko ang beach resort ni Inah. Gusto po niya ay sa summer dadalhin ang mommy niya. Gusto raw niyang pagtagalin ito roon para tuluyang gumaling.’’

“Aba e di magbakasyon na rin tayo roon Yana.’’

“Yun nga po ang balak ko—tayong lahat ay magtutungo roon.”

(Itutuloy)

vuukle comment

RAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with