^

Punto Mo

EDITORYAL - Mas matinik ang Indonesian police

Pang-masa
EDITORYAL - Mas matinik ang Indonesian police

KUNG hindi sa Indonesian police maaaring hindi pa naaaresto at nadadala sa bansa sina Alice Guo, Shiela Guo at Cassandra Li Ong. Unang naaresto ng Indonesian authorities sina Shiela at Cassandra noong Agosto 20 samantalang naaresto si Alice Guo noong Miyerkules (Set. 4). Sinundo si Alice Guo nina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP chief Rommel Marbil. Masaya si Alice Guo na nakunan ng picture kasama sina Abalos, Marbil at mga taga-National Bureau of Invesitigation at Bureau of Immigration. Parang hindi tumakas sa batas ang sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac. Mabuti na lang at matinik ang Indon police.

Nakatakas noong Hulyo 18 sina Alice Guo at mga kasama at nagpalipat-lipat sa Malaysia, Indonesia at Singapore. Nang tanungin ng Senado si Shiela Guo kung paano sila nakalabas ng bansa, sinabi nitong sumakay sila sa isang speedboat at lumipat sa mas malaking barko bago nakarating sa Malaysia. Mula roon nagpalipat-lipat sila sa iba pang bansa.

Ngayong naaresto na si Alice Guo, maaring magkaroon na ng linaw kung paano sila nakalabas ng bansa at kung sino ang mga taong tumulong sa kanila. Duda ang mga mambabatas sa mga sinabi ni Shiela Guo na sasakyang dagat lamang ang ginamit nila. Sa dami raw ng pera ng mga ito, hindi nila ipagsasapalaran ang buhay na sumakay sa bangka. Tiniyak naman nina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian na pagbabayaran nina Alice at Shiela Guo ang mga ginawang kasalanan. Maraming kahaharaping kaso ang dalawa kabilang ang money laundering, human trafficking at operasyon ng illegal POGOs. Maari silang makulong nang mahigit 100 taon.

Sa pagkaaresto ng Indonesian police sa tatlo, napatunayan na mas epektibo ang pangangalap ng intelehensiya ng Indonesian authorities kaysa Pilipinas. Sa loob lamang ng maikling panahon ay nahuli sina Alice Guo. Kung gaano sila kabilis na nakatakas sa Pilipinas ay ganundin sila kabilis nadakip sa Indonesia. Nasubaybayan ang galaw ng tatlo at nadakip. Hindi nilubayan ng Indonesian police si Alice Guo.

Naging kahiya-hiya naman ang Philippine National Police at Bureau of Immigration na natakasan ng mga personalidad na may mga kaso. Kakahiya na gumagala na sa ibang bansa sina Alice Guo ay wala pang kaalam-alam ang PNP at BI. Inilihim pa ng BI sa Malacañang na nakalabas na ng bansa sina Alice Guo.

Dapat pormal na magpaabot ng pasasalamat ang Pilipinas sa Indonesia sa mabilis na pagkakahuli nina Guo. Kung hindi sa kanilang matiyagang pagsu­baybay sa wanted na si Guo, nakanganga pa rin ang PNP at BI hanggang ngayon. Hinihintay naman ng sambayanan ang pinangako ni President Ferdinand Marcos Jr. na may “gugulong” na mga ulo sa pagkakatakas nina Alice Guo. Asan na?

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with