^

Punto Mo

‘Kumot’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

BATA pa lamang ako ay mahilig na ako sa kumot. Natatandaan ko, kapag sumasama ako sa aking ina sa Divisoria noong nasa elementarya pa lamang ako ay tuwang-tuwa ako kapag nasa tindahan kami ng mga kumot. Gustung-gusto ko ang mga kumot na may mga desenyong bulaklak at iba pa.

Kaya bawat punta namin sa Divisoria ay nagpapabili ako kay Mama ng kumot.

“Di ba mayroon ka pang bagong kumot, Elsa?’’ tanong ni Mama.

“Luma na Mama. Manipis na nga!’’ sagot ko.

Kaya walang nagawa si Mama kundi ibili ako. Kasi tinatakot ko rin si mama na hindi ko siya sasamahan sa Divisoria sa pamimili. Ako lang kasi ang matiyagang sumama sa kanya. Ang mga kapatid ko, tamad mag-Divisoria—marami raw tao.

Kaya nakaipon ako ng mga kumot dahil sa pagsama kay Mama.

Nang makatapos ako ng pag-aaral at nagtatrabaho na, ako na mismo ang bumibili ng kumot para sa koleksiyon ko. Iba’t iba ang mga naipon kong kumot.

Nang magtrabaho ako sa ibang bansa, nadala ko ang ugaling mag-ipon ng kumot. Pero nakabuti sa akin ang pagiging “kumot collector” dahil sa isang pangyayari.

(Itutuloy)

BLANKET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with