^

Punto Mo

EDITORYAL - Pondo sa flood control program, naanod na ba?

Pang-masa
EDITORYAL - Pondo sa flood control program, naanod na ba?

BUMAHA noong Lunes sa maraming lugar sa Metro Manila dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Enteng. Naulit ang nangyari noong Hulyo 24 na ng nanalasa ang habagat na pinalakas ng Bagyong Carina. Mas mahina ang ulan na dulot ng Bagyong Enteng kaysa Carina pero ang nakapagtataka, rumagasa ang baha at may mga pagguho ng lupa na ikinamatay ng tatlong tao sa isang barangay sa Antipolo City.

Lampas tao ang baha sa San Mateo, Rizal kung saan maraming residente ang nagtungo sa bubungan ng kanilang mga bahay para hindi tangayin ng baha. Ganito rin ang senaryo sa isang barangay sa Antipolo City na maraming bahay ang nalubog sa baha.

Sa Cainta, Rizal, lampas tao rin ang baha kaya marami ring nag-akyatan sa bubong ng bahay. Maraming sasakyan na naman ang nalubog sa baha. Sa isang subdibisyon sa Parañaque City ay rumaragasa rin ang baha. At katulad ng dati, binaha uli ang España Blvd at Taft Avenue.

Nang humupa ang baha, iisang tanawin naman ang tumambad—maraming basura! Tinangay ng baha ang maraming basura. Mahigit isang buwan lang mula nang tangayin ng bahang dulot ng Bagyong Carina ang mga basura at eto na naman at mas marami pa ang lumutang nang humagupit ang Bagyong Enteng.

Saan galing ang mga basura at hindi maubus-ubos? Kahit yata araw-araw bumaha marami pa ring tatangaying basura. Nagpapatunay lamang na walang kaayusan sa pagtatapon ng basura.

Subalit bukod sa basura na itinuturong dahilan nang pagbaha, malaking katanungan ngayon kung ano na ang nangyari sa flood control program ng pamahalaan. Taun-taon may pondong nakalaan para masolusyunan ang pagbaha sa Metro Manila subalit nananatili pa rin ang problema.

Saan ginamit ang pondo para rito. Maski ang mga pumping stations ay luma at walang kakayahang higupin ang baha para iluwa sa Manila Bay. Nang manalasa ang Bagyong Carina, dalawang pumping stations—isa sa Navotas at isa sa Malabon ang nasira. Substandard ba ang pumping stations? 

May pananagutan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nangyayaring pagbaha. Noong nakaraang linggo kinuwestiyon ng mga mambabatas ang DPWH kung bakit hindi nasosolusyunan ang mga pagbaha sa kabila ng paggastos ng P1.2 trilyon para sa flood control projects mula 2009 hanggang 2024. Malaki umano ang dapat ipaliwanag ng DPWH. At ang nakadidismaya pa, humihirit pa ng dagdag na pondo ang DPWH para sa 2025.

Hindi na makatwiran ito. Ipaliwanag muna kung saan ginastos ang trilyong piso na laan para sa baha. Naanod na ba ito?

BAGYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with