^

Punto Mo

Required bang pumirma sa non-compete clause?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May job offer po ako at bukod sa employment contract ay may pinapapirmahan din po sa akin na non-compete clause. Nagdahilan na lang po ako na pag-iisipan ko muna ang  job offer pero ang totoo, hindi lang ako sigurado sa non-compete clause na pinapirmahan sa akin. Required ba akong pirmahan ang non-compete clause? —Laura

Dear Laura,

Kung ang ibig sabihin mo sa “required” ay kung ipinag-uutos ba ng batas na pirmahan mo ang non-compete clause, ang sagot ay hindi dahil isang kasunduan iyan na kailangang boluntaryo mong papasukin at puwedeng tanggihan kung ikaw ay hindi sang-ayon. Kung ang ibig sabihin mo naman sa “required” ay kung tama ba na gawin siyang kondisyon para ikaw ay tuluyang ma-hire sa trabaho, mas mabuti kung tanungin mo na lang ang company kung maari ka bang tumanggi sa pagpirma sa non-compete clause.

Iyon nga lang, kung ipagpapalagay ng employer mo na bahagi at mahalagang parte ng iyong employment contract ang non-compete clause, maaring wala ka talagang choice dahil maaring hindi ituloy ng kompanya ang pag-hire sa iyo kung hindi ka pumirma.

Wala namang lalabagin na batas ang kompanya kung sakaling hindi ka tuluyang i-hire dahil sa hindi mo pagpirma. Katulad ng ibang kontrata, malaya ang mga partido sa isang employment contract na maglagay ng kahit anong probisyon na gusto nila basta’t hindi ito labag sa batas, kabilang na rito ang non-compete clause. Dahil dito, malaya ang kompanya na hindi ituloy ang pag-hire sa prospective employee kung hindi sila magkakasundo sa mga nilalaman ng employment contract.

TRABAHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with