^

Punto Mo

Mag-ingat sa pag-post ng tungkol sa kaso at warrant of arrest ng iba

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ko bang i-post sa Facebook na hindi na nagtatrabaho ang dati kong empleyado sa akin dahil siya ay may warrant of arrest at kinasuhan ko ng estafa? Gusto ko lang kasi sanang mabigyan ng warning ang publiko.— Stella

Dear Stella,

Mas mabuti kung huwag ka na lang mag-post dahil baka magkaroon ka pa ng kasong kriminal. Puwede kang maireklamo ng kasong cyberlibel dahil maaring sabihin na isang paraan ng pagbibintang ng krimen ang binabalak mong post na magdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng iyong dating empleyado, na hindi pa naman convicted sa ilalim ng batas.

Kung sakaling masampahan ka ng libel ay hindi mo rin naman magagamit na depensa na totoo namang may kaso at warrant of arrest ang dati mong empleyado. Hindi naman kasi titingnan ng korte kung totoo ba o hindi ang post mo maliban na lamang kung ikaw ay miyembro ng media at bahagi ng karaniwang trabaho mo ang ginawa mong libelous na post.

Ang pangunahing titingnan ng korte ay kung malisyoso ba ang ipinost mo, na mahihirapan kang itanggi dahil ipagpapalagay kaagad ng batas na malisyoso ang post mo kung malinaw na nagdulot ito ng pagkapahiya sa ibang tao.

Kaya ang maipapayo ko sa iyo, huwag mo nang ituloy ang binabalak mong pagpo-post sa social media ukol sa kaso at warrant of arrest ng dati mong empleyado kung ayaw mong magkaroon ng sariling kriminal na reklamo.

Kung sa tingin mo naman ay kailangan mong bigyan ng babala ang publiko ay sapat ng limitahan mo ang iyong post sa pagsasabing  hindi na konektado sa iyo ang iyong dating empleyado pero kung hindi naman ay pinakamainam pa rin na hayaan mo na lang na umandar ang kaso at maparusahan ang dati mong empleyado kung makita ng hukuman na siya nga ay may sala.

vuukle comment

WARRANT OF ARREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with