PDEG, pinipigilang bumalik ang droga sa kalye!
PINAIGTING ng PNP Drug Enforcement Group ang kanilang kampanya laban sa droga para pigilan ang pagbabalik ng shabu at iba pa sa kalye. Inamin ni PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta na hindi na bulk kung magparating ng droga sa bansa ang mga drug syndicates dahil aktibo sila at iba pang ahensiya ng gobyerno sa pagpuksa sa kanila.
Ayon kay Matta, may tatlong pamamaraan ang drug syndicates sa pagpasok ng droga sa Pinas- ang floating, seaside at air- na nababantayan na ng awtoridad. “Nahihirapan na ang drug syndicates na magpasok ng droga dahil sobrang aktibo na ang PDEG, PDEA, Customs, Coast Guard, Maritime Group at iba pa para puksain sila,” ani Matta.
“Namonitor mo naman na maya’t maya may huli ang mga law enforcement agencies dahil hindi tayo nagpabaya para labanan sila.” Iginiit pa ni Matta na “less bloody” na ang kampanya vs droga. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng mga kosa ko na kaya naman nagbalikan ang mga drug pushers sa pagbenta ng shabu at iba pang droga dahil sa tingin nila, lumuwag na ang gobyerno ni President Bongbong Marcos sa kanila. Araguyyyyy! Kung sabagay, noon ngang panahon ni Tatay Digong hindi naman nahinto ang problema vs droga kahit kaliwa’t kanan na ang patayan. Get’s n’yo mga kosa?
Dahil walang ibang pagkakitaan, tulad ng sugal lupa, maraming mahihirap ang sumugal na lang sa droga at minabuti nilang magdusa sa kulungan keysa magutom ang kani-kanilang pamilya. Hayan, alam n’yo na mga kosa kung bakit nagbalikan ang droga sa kalye, lalo na sa Metro Manila. ‘Yan ay para makaiwas sa gutom ang mahihirap. Get’s n’yo mga kosa? Ang sakit sa bangs nito.
Nitong nagdaang linggo lang, sunud-sunod ang operation na isinagawa ng mga tauhan ni Matta sa iba’t ibang bahagi ng Pinas ay milyong halaga ng shabu at iba pang droga ang nakumpiska. Pero inamin ni Matta na itong mga nahuhuli nila ay mga second at third layers lang sa drug syndicates. Aniya, hindi naman nagpapahinga ang kanyang mga tauhan para hulihin ang mga main players mismo ng drug syndicates para matigbak na ang illegal nilang negosyo sa Pinas.
“Maraming pera itong drug syndicates kaya iba-iban ang estilo nila magpapasok at magpakalat ng droga. Kaya pinaigting namin ang kampanya laban dito dahil kapag nagpabaya kami baka magbalikan ang droga sa kalye,” ang sabi pa ni Matta. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nitong Agosto 28, si Hua Chen, 26, sa AAA Condominium, Bgy. 76, Zone 10, Pasay at nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang 114 grams na Ketamine na nagkakahalagang P570,000, isang paketeng shabu na may 546 grams sa P3.7 milyon, Apmetamine sa P3.2 milyon, at iba’t ibang party drugs worth P189,000. Bigtime si Hua ng Mabalacat, Pampanga. May nakuha ring blue digital weighing scale, Chinese passport, assorted IDs at Ifone. Malalim si Hua, ‘no mga kosa? Mismooo!
Noong Agosto 22, inaresto ng PDEG si alyas Ipoy sa Cebu City at nakuhaan siya ng 55 grams ng shabu worth P374,000. Si alyas Jobare, 52, ay nakumpiskahan ng 60 gramo ng shabu sa presyong P408,000 sa Lanao del Sur, samantalang si alyas Yakyak, 38, ay nakorner sa pag-iingat ng 50 grams ng shabu worth P340,000 sa Surigao City. Si alyas Rich, 49, ay nahulihan ng 80,000 grams ng Kush marijuana na nagkakahalagang P9.6 milyon sa Valenzuela City. Sa Dasmari?as City, nahuli si alyas Tomboy sa pag-iingat ng 200 grams ng shabu worth P1.3 milyon.
Hayyy sumakit ang daliri ko sa katitipak ng accomlishments ni Matta. Abangan!
- Latest