^

Punto Mo

Kilalanin na mga dawit sa pagtakas ni Alice Guo

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May mananagot!

Ito ang mariing pahayag ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay nang pagsasabing walang magiging “sacred cow” sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagtakas sa bansa ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Lalo pa nga at nabubulgar na ang mga pangyayari ukol sa mahiwagang pagpuga nito.

Aminado ang pangulo na itinago sa kanya ng Bureau of Immigration (BI) na nakatakas na ng bansa si Guo.

Sa panig ng DOJ halos tapos na ang  malalim na imbestigasyon  na isinagawa at kanila nang kikilalanin ang mga sangkot sa pagpapatakas kay Guo at kaagad silang aaksyon dito.

Ayan nga at tiniyak din ni PBBM na may masisibak na mga opisyal ng BI dahil mayroon na silang idea sa mga taong sangkot dito.

Hindi nga ba’t kung hindi pa ibinulgar ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na ng bansa si Alice Guo at nagpapalipat-lipat na ng lugar sa ibang bansa hindi pa mabubulabog ang mga awtoridad.

Lumalabas lang na kulang at hindi epektibo ang intelligence gathering ng mga ito o sadyang alam na pero itinago pa.

Malamang ay yan ang ikinagagalit ng pangulo.

Malinaw naman kasi na nagtatakipan sa kapalpakan kaya marapat lang na panagutin at parusahan.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with