^

Punto Mo

Pandesal (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN mo ba nakita ang sinasabi mong matanda na binigyan mo ng pandesal, Johnny?” tanong ni Mama.

“Sa may labasan po—malapit sa isang lumang apartment. Nasa bangketa ang matanda. Akala ko namamalimos. Hindi naman pala.”

“Anong suot?”

“Maayos naman ang suot. Yung sinaunang suot ng matanda.”

“Baro at saya?”

“Opo.”

“Aba nakakapagtaka naman ang matandang yun at nakasuot pa ng baro’t saya tapos nasa bangketa.’’

“Hindi ko pinansin nang patungo ako sa bakery. Pero pag­balik ko, nakatingin sa akin na parang humihingi ng pandesal. Gutom siguro. Kaya binigyan ko ng dalawa.”

“Anong sabi?’’

“Nakangiti lang.’’

“Sige pag nakita mo uli bigyan mo.’’

“Opo Mama.’’

Kinabuka­san, bumili ako ng pandesal. Hi­nanap ko ang matanda para bigyan.

Pero wala siya!

(Itutuloy)

vuukle comment

BREAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with