^

Punto Mo

Illegal POGO, ‘di naman nawala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

SA kabila na iniutos na ang total ban sa mga POGO sa bansa, talagang nakakapuslit pa rin ang mga ito.

Mga ilegal pa na sangkot sa iba’t ibang scam ang natutukan sa mga isinasagawang raid sa mga hub hindi lang sa mga lalawigan kundi maging sa Metro Manila.

Kahapon lamang mahigit sa 400 tauhan ng POGO hub na ni-raid sa Parañaque ang pinigil ng mga awtoridad.

Iba’t ibang nasyonalidad kabilang ang mga Pinoy ang kasama sa pinigil.

Nabatid na dawit ang operasyon nito sa sex at trading scams na kadalasang bumibiktima sa mga dayuhan.

Ayon nga  kay NCRPO chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr., may isang buwan ang isinagawa nilang surveillance bago  ang aktuwal raid sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

Naaktuhan pa nga ng mga operatiba ang mga ginagawa ng mga empleyado ang kanilang transaksyon sa kanilang mga binibiktima.

Isang special software umano ang gamit ng mga empleyado ng POGO hub at pekeng accounts para maengganyo ang mga kliyente na mag-invest sa cryptocurrency exchange platform.

Talagang malaking halaga ang sangkot sa ganitong operasyon kaya gagawin talaga ang lahat makalusot lang.

Walang takot o pangamba ang mga ito marahil dahil sa may proteksyon ng ilang opisyal sa pamahalaan o mga awtoridad.

 

 

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with