^

Punto Mo

Maid of Honor (220)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINAWAKAN ni Mark Demonio si Inah sa tagiliran.

“Wow ang lambot! Sarap!”

Nagtawanan ang mga kasama ni Demonio.

“Bastos!” sabi ni Inah at iwinaksi ang kamay ni Demonio.

“Aba suplada ka ha? E kung lamasin ko ang dyoga mo!’’

“Sige gawin mo! Gawin mo!’’ sigaw ni Inah.

Nagtawanan at sinulsulan ng mga kasama si Demonio.

“Gawin mo na raw! Gawin mo na! Bagal!”

“Huwag kayong mainip! Gusto kong dahan-dahanin si Beauty! Mas masarap daw ang dahan-dahan! Ha-ha-ha!’’

Nagtawanan din ang mga kasama.

“Paano naman kami? Ikaw lang ba ang makikinabang kay Beauty?” sabi ng isa.

“Oo nga! Paano kami. Tatakawin mo na lang kami?’’ sabi naman ng isa pa.

“Kapag nagsawa ako, ipapasa ko sa inyo! Pero kailangang magsawa muna ako nang todo bago ko ito ibigay sa inyo,’’ sabi ni Demonio at biglang hinipo ang boobs ni Inah.

Hindi naman nasiraan ng loob si Inah at sinampal si Demonio. Sapol ang malapad na pisngi!

Namula sa galit si Demonio.

“Putsa ka! Ang sakit nun ah!’’ sabi ni Demonio at hinipo ang pisngi.

“Hindi lang sampal ang matitikman mo!’’ sabi ni Inah at inambahan ng suntok si Demonio.

“Tarantada ka talaga! Nasaan ang pinagmama­laki mo? Iharap mo sa akin!’’

Hindi nagsalita si Inah. Wala si Rocky. Nagpaalam sa kanya na luluwas sa Maynila para mag-file ng resignation  sa kompanya nito. Baka nasa bus na si Rocky sa mga oras na ito.

“Nasaan ang pinagmamalaki mo? Natakot na siguro sa akin ‘no? Umimpis ang bayag! Ha-ha-ha!’’

Nagtawanan ang iba pa.

“Humanda ka pagbalik niya!’’ sabi ni Inah.

“Aha! Wala pala siya. Mabuti naman para napagsasawaan na kita!’’

“Gawin mo na! Sabik na sabik na kami!” udyok ng mga kasama.

Niyakap ni Demonio si Inah.

Nagpipiglas si Inah.

Nang may biglang ­sumigaw.

“Bitiwan n’yo siya!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with