‘Langaw’ (Part 2)
IKALAWANG pagkakataon na nagpatindi sa aking pteronarcophobia o pagkatakot sa langaw ay nung nasa high school ako at nakakita ng isang patay na pusa sa kalye na dinadaanan ko patungong school. Nasagasaan ang pusa at nilangaw. Napakaraming langaw na nagdulot para ako magsuka at makaramdam ng pagpapawis.
Alam ng aking mga magulang at kapatid ang nararamdaman kong takot sa langaw. May nakapagpayo na para raw maalis ang pagkatakot ko sa langaw ay kailangang harapin ang mga ito. Sa isip lang daw ang pagkatakot kaya dapat sanayin ang sarili.
Pero naiisip ko pa lamang na haharapin ang sangkaterbang langaw ay kinakabahan na ako paano pa kung haharapin na ang mga ito. Hindi ko kaya!
Kaya ang naging batas sa aming bahay ay kailangang maging malinis sa loob at labas. Kailangan ay walang basura o anumang dumi sa loob at labas ng bahay. Sabi ni Tatay at Nanay, walang langaw kung walang basura.
Hanggang sa makatapos na ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.
Hindi ko akalain, makakaranas pala ako rito nang matindi. Maraming langaw akong nakita! (Itutuloy)
- Latest