^

Punto Mo

EDITORYAL - Smugglers ng gulay ba’t hindi madakma?

Pang-masa
EDITORYAL - Smugglers ng gulay ba�t hindi madakma?

PATULOY ang smuggling ng agricultural products partikular na ang sibuyas, carrots, at iba pa. Kahit­ nagbanta na si President Ferdinand Marcos Jr., noong nakaraang taon na hahabulin at pananagutin ang agri smugglers at hoarder, patuloy pa rin ang mga ito na mistulang salot na. Pinapatay na nila ang mga lokal na magsasaka ay dinadaya pa ang pamahalaan. Bakit hindi sila madakma at masampolan?

Noong Huwebes, nakasamsam ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng 300 tonelada ng smuggled na gulay nang salakayin ang dalawang bodega sa Navotas City. Ang isa sa mga bodega ay naglalaman ng 132.75 tonelada ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng P21.2 milyon samantalang ang isa pang bodega ay may laman na 89.89 tonelada ng carrots na nagkakahalaga ng P13.48 mil­yon. Bukod sa sibuyas at carrots, nakakumpiska rin nang maraming kamatis at mushrooms.

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa Bureau of Plant Industry na kanselahin ang pag-iisyu ng import permits sa sibuyas at carrots. Ayon kay Tiu-Laurel, sagana ang bansa sa sibuyas at carrots dahil tag-ani ngayon. Hindi raw niya hahayaan ang illegal at masamang praktis na ang mga lokal na mag­sasaka ng gulay ang nasasaktan. Nawawalan umano ng ikinabubuhay ang mga magsasaka dahil sa smugglers ng gulay. Nanawagan siya sa mamamayan na ireport sa DA ang anumang impormasyon ukol sa smuggling ng agri products sa bansa.

Ang pagdagsa ngayon ng smuggled na sibuyas ay nagpapaalala sa nangyaring pagmamahal ng produktong ito noong Disyembre 2022 kung saan, umabot sa P700 bawat kilo. Unang pagkakataon na naranasan sa bansa ang sobrang mahal na sibuyas. Bukod sa mahal­, wala pang mabili. Nabatid na minamanipula at tinatago ng mga ganid na traders ang sibuyas. Dahil walang mabili ang mga tao, tinataasan ng mga ganid ang presyo ng sibuyas kaya nagkaroon ng krisis. 

Nagkaroon ng imbestigasyon ang House of Representatives at Senado ukol sa krisis sa sibuyas. Naki­lala naman ang mga traders na nasa likod ng krisis. Tinukoy ng Senado noon ang isang nagngangalang Leah Cruz na umano’y “Sibuyas Queen”. Sa kabila ng mga imbestigasyon, walang nakasuhan sa mga ganid na traders ng sibuyas.

Magpursigi ngayon ang pamahalaan para madakma na ang mga salot na agri smugglers. Dapat may ma­sampolan na sa kanila at hindi pawang banta lamang. Sawang-sawa na ang mamamayan sa pagbabanta ng pamahalaan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with