Sari-saring kaalaman
• Ang pagkain ng isa hanggang dalawang pipino araw-araw ay natural cure para sa puffy eyes at eye bags.
• Ang maligamgam na tubig na may katas ng dayap ay magaling magtanggal ng plema.
• Almonds ang kailangang kainin bago matulog para sa mahimbing na pagtulog. Mayaman ito sa magnesium na nagre-regulate ng blood sugar habang tayo ay natutulog.
• Ang cheese naman ang worst food to eat bago matulog lalo na ang strong at aged cheese. Taglay nito ang tyramine na dahilan para maging alert tayo at gising ng ilang oras.
• Ang mga pagkaing mayaman sa tyramine at hindi dapat kainin sa hapunan ay kamatis, toyo, talong at red wine.
• Kamote ay mainam na kainin sa hapunan dahil mayroon itong Vitamin B6 na nagdudulot ng good mood at melatonin para madaling makatulog.
• Huwag mag-dessert ng chocolate bars dahil may caffeine ito. Sa umaga mo dapat ito kainin.
• Mainam magpaantok ang maligamgam na tubig na tinimplahan ng lemon at honey.
• Nakakababa ng blood sugar ang pagtayo ng 30 minutes pagkatapos mananghalian.
• Kulang ka sa asin kung nanlalata ka at sumasakit ang ulo.
• Kulang ka sa magnesium kung nararanasan ang hirap sa pagtae, brain fog at muscle cramps.
• Kulang ka sa potassium kung nakakaranas ng heart palpitation, muscle cramps at sobrang pagkauhaw sa tubig.
• Kulang ka sa calcium kung nangingimi ang iyong kamay at paa na parang kinikiliti ng karayom, malutong ang kuko.
• Kulang ka sa chloride kung nagtatae, nanghihina at dehydrated.
- Latest