^

Punto Mo

Maid of Honor (218)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NILAPITAN ni Mark Demonio si Inah at akmang sasampalin pero hinarang ni Rocky at hinawakan ang kanang kamay nito at saka pinilipit.

“Teka, teka, babae yan, ako ang harapin mo!”

“Aray! Aray!’’

“Hindi magandang tingnan na mananampal ka ng babae. Ako ang sampalin mo!’’ sabi pa ni Rocky at lalo pang pinilipit ang kanang kamay ni Demonio. Hindi makagalaw si Demonio sapagkat kapag kumilos siya ay mababali ang kanyang kamay.

“Aray! Bitiwan mo akooo! Arayyy!’’

Binitiwan ni Rocky at saka itinulak palayo. Sumadsad si Demonio at matutumba sana kung hindi nasalo ng isang kasama.

“Umalis na kayo!” sabi ni Rocky.

Hinilut-hilot ni Demonio ang kanang kamay. Parang nabali ang kamay sa pagkakahawak ni Rocky.

“Babalik kami! Humanda ka hayup ka!’’ sabi ni Demonio.

“Ba’t babalik ka pa? Tapusin na natin ngayon! Halika!’’

Walang kakilus-kilos si Demonio. Ganundin ang tatlong kasamahan nito. Putlang-putla ang tatlo.

Nang lalapitan ni Rocky si Demonio, bigla nitong ­sinenyasan ang tatlong kasama.

“Tayo na! Babalikan kita hayup ka. Hindi kita titigilan,’’ sabi pa ni Demonio.

“Marami kang dada!” sabi ni Rocky at lalapitan na talaga si Demonio pero nagtatakbo na ang mga ito sa labas.

“Baka balikan ka ni Demonio, Rocky!’’ sabi ni Inah.

“Hayaan mo siyang bumalik. Pipilipitin ko uli ang kamay niya.’’

“Baka barilin ka!’’

“Paghahandaan ko siya.’’

“Natatakot ako, Kuya Rocky.’’

Lumapit si Darwin kina Rocky at Inah.

“Huwag kang matakot Ate, tutulungan ko si Kuya. Asar na rin ako sa demonyong yun!’’

“Salamat Darwin. Kaya mo na bang makipaglaban?’’

“Oo Ate. Yakang-yaka! Mahusay yatang magturo si Kuya.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with