^

Punto Mo

2-anyos na batang babae sa Japan tinaguriang ‘pinakabatang recording artist’ sa mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG two-year-old na batang babae sa Japan ang nakapagtala ng world record dahil siya ang pinakabatang recording artist na nakapag-release ng sarili niyang album!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Jalimpa ang may hawak ng world record title na “Youngest Female Solo Artist to Release an Album”. Ito ay matapos niyang i-release ang album niya na pinamagatang “Nonsense makes Sense” sa edad na dalawang taon.

Sa panayam sa mga magulang ni Jalimpa, sinabi ng mga ito na six months old pa lamang ito ay nakikitaan na nila ito ng hilig sa pagkanta. Artists din ang mga magulang ni Jalimpa kaya sa batang edad ay may access na ito sa iba’t ibang musical instrument.

Ayon pa sa mga magulang ni Jalimpa, naniniwala sila na ang lahat ng bata ay makikitaan agad ng talento kahit sa murang edad pa lamang ng mga ito. Kung makikita agad ito ng mga magulang ay dapat alagaan at pagyamanin agad nila ito.

 

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with