^

Punto Mo

EDITORYAL - Sobra-sobra na ang ginagawa ng China

Pang-masa
EDITORYAL - Sobra-sobra na ang ginagawa ng China

DATI, sa karagatan gumagawa ng panggigipit ang China pero ngayon, sa himpapawid na. Mas mapanganib ang ginagawa nila ngayon sapagkat sa kaunting pagkakamali, puwedeng madisgrasya ang eroplano ng Pilipinas at mamatay ang piloto. Sobra na ang ginagawa ng China at hindi na dapat palampasin!

Noong Agosto 8, dalawang Chinese aircraft ang pumasok sa himpapawid ng bansa sa tapat ng Bajo de Masinloc at nagpakawala ng flares sa direksiyong tinutungo ng Philippine Air Force (PAF) aircraft. Nagsasagawa ng pagpapatrol sa lugar ang PAF nang biglang lumitaw ang Chinese planes at sunud-sunod na nagpakawala ng flares.

Nakagugulat ang panibagong pangha-harass ng China sapagkat nagkasundo na ang mga opisyal ng Pilipinas at China sa pagpupulong sa Beijing na iwasan ang anumang hakbangin na makakapagpalala ng tensiyon sa West Philippine Sea (WPS). Hindi tumutupad sa pinagkasunduan ang China.

Hindi pa natatagalan ang nangyari noong Hunyo nang maputulan ng hinlalaki ang isang sundalong Pinoy makaraang banggain ng China Coast Guard ang sinasakyang rubber boat habang naghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre. Ang sundalong naputulan ng daliri ay si Seaman First Class Jeffrey ­Facundo. Nakipagbuno sina Facundo sa mga miyembro ng China Coast Guard na gumitgit sa kanila habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal. Dalawang barko ng CCG ang umipit sa resupply boat ng Pilipinas. Armado ng itak, maso at tear gas ang mga miyembro ng CCG. Binutas ng mga ito ang rubber boat ng mga sundalong Pinoy. Ninakaw ang bag, mga baril at iba pang mga gamit. Maraming nabasag na equipment sa barko ng mga Pinoy.

Noong Mayo walong beses binomba ng tubig ng CCG ang BRP Datu Bankaw. Bukod sa pagbomba, apat na beses na binangga na ikinasira ng railings nito. Bukod sa pagkasira ng railings, nasira rin ang mga equipment ng barko. Maghahatid ng supply sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal ang Datu Bankaw nang mangyari ang pagbomba ng tubig.

Sa panibagong pangha-harass ng China, magpa-file na naman umano ng diplomatic protest ang Pilipinas. Sabi ng Department of National Defense, hindi mapalalampas ang ginawa ng China.

Marami nang beses nag-file ng protesta ang Pilipinas subalit walang nangyayari. Tinatawanan lamang ng China. Nakakasawa na ang pagpa-file ng protesta.

Tama na ang protesta. Mas magandang gawin ay iboykot ang mga produkto ng China sa Pilipinas. Kung hindi kayang labanan ang China nang manu-mano, labanan sila sa pamamagitan nang “pagpatay” sa kanilang negosyo rito. Mararamdaman nila ang sakit sa ganitong paraan ng paglaban.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with