^

Punto Mo

Maid of Honor (214)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGKATINGINAN sina Rocky at Inah nang magkadikit ang mukha nila. Inaalalayan ni Rocky si Inah para makaupo.

Si Rocky ang bumawi ng tingin at inalalayan nang maayos si Inah.

“Dahan-dahan ang pag-upo at baka mapuwersa ang binti mo.”

“Hindi na gaanong masakit Kuya. Nakatulong ang paghilot mo.’’

“Mamaya hihilutin ko uli. Manatili ka munang nakaupo.’’

“Saan ka natutong magmasahe Kuya?’’

“Sa internet. May mga ipinakikita kung paano magmassage sa pinupulikat.’’

“Ah akala ko, nag-aral ka ng pagmamasahe.’’

“Hindi—nag-research lang ako. Kasi ang namayapa kong asawa, laging nagka-cramps sa madaling araw. May oras na ginigisin niya ako at pinahihilot ang binti—gaya ng sa iyo. Umiiyak din siya sa sakit. Ang tagal bago mawala ang cramps. Umaakyat hanggang tuhod niya.’’

“Napakasakit kapag ganun Kuya. Ako ay maiiyak din kanina. Pinipigil ko lang.’’

“Kaya nag-research ako sa internet at may nakita akong paraan nang pagmamasahe para mawala ang cramps.’’

“Mahal na mahal mo si misis Kuya?’’

Napangiti si Rocky.

“Ba’t mo naitanong?’’

“Wala lang.’’

“Siyempre mahal—nag-iisa siya.”

“Paano kung may dumating na iba na katulad din niyang mabait?”

Hindi makasagot si Rocky.

Ngumiti lang.

“Ano kaya mo na? Masakit pa ba, Inah?’’

“Hindi na Kuya. Tayo na.’’

Inalalayan ni Rocky sa pagtayo si Inah.

Pati sa paglalakad ay akay niya ito. Mahigpit ang pagkakahawak. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with