Pinakamahal na lighter sa mundo, mas mahal pa sa isang Ferrari!
ISANG lighter na gawa sa 400 grams ng ginto at mga brilyante ang tinaguriang pinakamahal na lighter sa buong mundo!
Ginawa ng French luxury brand na S.T. Dupont ang lighter na pinangalanang “Louis XIII Fleur de Parme” matapos mag-request ang Hong Kong billionaire na si Steven Hung.
Paboritong topic ni Hung ang French history kaya ang gusto niyang disenyo ng kanyang lighter ay may kinalaman dito.
Ang naatasan na magdisenyo nito ay si Princess Tania de Bourbon Parme, ang isa sa direct descendant ni King Louis XIII, ang hari ng France noong 16th century.
Kasama ni Tania ang iba pang 80 artisans at sa loob ng anim na buwan ay pinagtulung-tulungan nilang pinag-isipan ang disenyo nito.
Gawa ang lighter sa 400 grams ng gold at 152 piraso ng sapphire na may halagang 41 karats. Nagkakahalaga ng $500,000 (katumbas ng P28.4 million) ang lighter at tinawag itong “Most Expensive Cigar Lighter” ng Guinness World Records.
- Latest