^

Punto Mo

‘Baha’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SABI ng iba, perwisyo raw ang baha. Tinatangay at nawawala raw ang mga pinundar at pinag-ipunang gamit gaya ng nangyari sa isa kong kaibigan na pinasok ng baha ang bahay noong nanalasa ang Bagyong Ondoy sa Metro Manila.

Ang kaibigan ko ay nakatira sa Marikina at hindi niya malilimutan na umabot ang baha sa second floor ng kanyang bahay. First time raw nangyari iyon. Umakyat sila sa bubong para makaligtas sa malakas na agos. Nailigtas sila makaraan ang maraming oras.

Maraming nawala sa aking kaibigan kabilang ang mga alahas at relo na pinundar niya noong nagtatrabaho sa Saudi. Nasa aparador ang mga alahas at relo sa second floor subalit sa lakas ng agos, tinangay ang mga iyon.

Kaya para sa mga dumanas ng baha, perwisyo talaga ito at maisusumpa.

Pero sa akin, hindi perwisyo sapagkat dahil sa baha, nakapulot ako ng mahalagang bagay na nakatulong nang malaki sa akin.

Nangyari nga iyon noong dekada 70 habang nakatira ako sa aking tiyahin sa Dapitan. Nagkaroon ng baha at nakapulot ako ng kahon ng sapatos at nang buksan ko, hindi ako makapaniwala.  (Itutuloy)

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with