Psychology information
• Pigilang magsalita kapag aburido ang isipan dahil baka “madulas ang dila” at masabi mo ang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao.
• Huwag dumaldal kapag galit ka dahil may tsansang siraan mo ang taong kinagagalitan mo.
• Tumahimik kapag nalulungkot upang hindi ka maging sentro ng awa ng ibang tao. Minsan nakakababa ng dignidad ang sobrang pagpapaawa sa sarili.
• Manahimik din kapag sobra ang iyong saya. Baka mangako ka nang hindi mo pala kayang tuparin pagdating ng araw.
• Pakinggan ang taong tahimik at minsan lang magbigay ng kanyang opinyon. Ang sinasabi niya ang madalas may “sense”.
• Ang mga taong mahilig magmura ang maraming takot na kinikimkim sa sarili.
• Ang taong nananatili ang eye contact habang nakikipag-usap ay mapagkakatiwalaan ang pagkatao.
• Kung matatanda na ang mga magulang mo noong ipinanganak ka, malaki ang tsansa na mas maaakit ka sa mas matanda sa iyo kapag natuto ka nang umibig.
• Mas naaakit ang mga babae sa lalaking magaling mag-initiate ng conversation.
- Latest