Natural na solusyon sa tagihawat at migraine
LIMANG importanteng nutrients upang masolusyunan ang problema sa tagihawat:
• Kumain ng mayaman sa vitamin A kagaya ng carrots, camote, liver, spinach. Inaayos nito ang production ng sebum o natural oil ng ating balat. Dito nakasalalay ang pagkakaroon ng normal, dry at oily skin.
• Kumain ng mayaman sa zinc kagaya ng beef, poultry, buto ng kalabasa, lentils, oyster. Ito ay may anti-inflammatory properties at tumutulong upang maging mabilis ang paghilom ng sugat kasama na ang tagihawat.
• Kumain ng omega-3 fatty acids kagaya ng salmon, tuna, walnuts, eggs, yogurt. Ito ang tumutulong upang maiwasan ang pamamaga ng acne.
• Kumain ng mayaman sa vitamin E kagaya ng almonds, sunflower seed, avocado, spinach. May antioxidant na pumuprotekta upang hindi masira ang balat mo sa mukha pagkatapos tubuan ng tagihawat.
• Kumain ng mayaman sa vitamin C kagaya ng citrus fruits, broccoli, strawberries. Tumutulong sa healing process ng acne. Nagiging sagana sa collagen ang balat upang manatili itong maganda at mukhang fresh.
Ang magnesium laban sa migraine
• Ang mga pagkaing mayaman sa magnesium ay dark leafy vegetables, almonds, kasuy, mani, buto ng kalabasa, buto ng sunflower, beans, garbanzos, brown rice, oatmeal.
• Natuklasan ng mga nutritionists na ang magnesium ay nakakatulong upang gumaling ang migraine dahil pinaluluwag nito ang ugat na daanan ng dugo. Pagsikip ng blood vessels ang sanhi ng pagsakit ng ulo.
• Inaayos din ng magnesium ang production ng serotonin sa ating katawan. Kapag mababa ang level ng serotonin, ito ay nagdudulot ng migraine.
- Latest