^

Punto Mo

Maid of Honor (201)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAGKANO kinokotong sa iyo ng grupong iyon, Inah?’’ tanong ni Rocky habang nagbibiyahe sila pauwi. Katabi niya si Inah sa unahan ng SUV.

“Five thou Kuya?’’

“Limang libo? Ano yun lingguhan o buwanan?’’

“Lingguhan Kuya.”

“Grabe ang grupong yun. Dapat maputol na ang kawalanghiyaan nila.’’

“Anong gagawin mo Kuya?’’

“Pinaplano ko pa.’’

“Pero kung mapapahamak ka Kuya e hayaan na natin. Kikitain ko pa naman ang perang binibigay sa kanila.”

“Parang kinonsente natin ang kawalanghiyaan nila. Dapat maturuan ng leksiyon ang mga walanghiya! Ang lalaki ng katawan e ayaw magtrabaho at gusto’y mangotong na lang.’’

“Nabalitaan ko Kuya na kaya malakas ang loob ng grupo ay dahil may padrino silang police official. Inaarbor ng police official kapag nasangkot sa gulo ang apat na kotongero. Pinipiyansahan daw agad, Kuya.’’

“Talaga palang sagad na sa kawalanghiyaan ang mga hayop at pati ang police official,’’ sabi ni Rocky.

“Malaki kasi ang napapakinabang na pera ng police official,’’ sabi ni Inah. “Kaya walang katapusan ang pangongotong.”

Makalipas ang 20 minuto, nakarating sa resort sina Inah at Rocky.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with