^

Punto Mo

Dismayado!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

DISMAYADO ang ilang mambabatas kabilang na si Senate president Chiz Escudero sa law enforcement agencies, partikular sa Philippine National Police (PNP) at sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kabiguan na matunton at maaresto si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Hindi lamang si Guo kundi maging ang iba pang ipinag-utos ng Senado na dakpin sa kabila na kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nasa bansa pa ito.

Kung sabagay hindi lang naman si Guo.

Hindi nga ba’t hanggang ngayon ay hindi pa rin matunton ang kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy at iba pang wanted na mga indibiduwal?

‘Nakakahiya’!

Yan ng pagtuturing ni Escudero.

Gayunman, sinabi pa ng Senate president na bagama’t tatalakayin ng senado ang budget ng mga ahensya sa isasagawang national budget deliberation, tutol naman ang una sa posibleng pagbawas sa budget ng mga ito bilang parusa sa kabiguan nilang madakip ang mga pinaghahanap na indibiduwal.

Una nang nagbanta si Sen. Jinggoy Estrada sa dalawang ahensya na babawasan ng budget sa susunod na taon dahil sa pagkabigong madakip si Guo.

Kung sabagay baka kapag binawasan ng budget eh mas lalong mahirapan ang mga ito na magpursige sa paghahanap sa mga wanted.

Pero kailangan din naman alamin kung paano nagagamit ang pondo.

Kung saan ito inilalaan at anong mga pamamaraan ang dapat gawin sa ikapagtatagumpay ng kanilang hangarin.

Ang mahirap kasi baka nagtutulog nang husto sa pansitan, kahit pinaglaanan ng malaking halaga ang kanilang mga operasyon.

Nakapagtataka rin na kapag kilalang indibiduwal ang pinaghahanap, tila ang tagal matagpuan.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with