‘Paruparo’ (Part 1)
AKO at ang aking kaibigan na si Joan ay lepidopterist o butterfly lover. Pareho kaming natutuwa kapag nakakakita ng paruparo lalo na ang makukulay ang pakpak. Hindi maipaliwanag ang nadarama naming kasiyahan kapag nakakakita ng paruparo. Sa bakuran namin ay maraming halaman na namumulaklak kaya maraming paruparo. Ganundin sa bakuran nina Joan. Magkapitbahay lang kami.
Magkaibigan kami ni Joan mula pa elementarya hanggang kolehiyo. Iisa rin ang aming course na kinuha—nursing. Sabay kaming nakatapos at sabay ding nakapasa sa board exam.
Nagtrabaho kami sa isang public hospital. Dalawang taon lang ako sa ospital sapagkat ipinasya kong mag-abroad. Si Joan ay nanatili sa public hospital. Ayaw niyang mangibang bansa. (Itutuloy)
- Latest