^

Punto Mo

Maid of Honor (197)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAALAM ni Inah sa kanyang itay at inay na kinuha niyang personal bodyguard si Rocky.

Gulat na gulat ang itay ni Inah nang malaman na duma­ting si Rocky.

“Di ba sabi mo e nawawala si Rocky? Bakit biglang sumulpot yata, Inah.’’

“Nagkaroon siya ng problema Itay mula nang mamatay ang asawa. Pero nakabawi rin siya at nagbalik na sa normal na buhay. Okey na siya ngayon. Sabi ni Kuya Rocky, nabasa niya online ang beach resort natin. At kaya siya narito ay para mag-aplay ng trabaho. Kahit lifeguard o  janitor, puwede raw siya.

“Sabi ko walang bakante kahit janitor. Hanggang maisipan ko, gawin na lang siyang bodyguard. Pumayag siya. Kahit daw hindi ko suwelduhan, payag siya. Basta libre raw ang tirahan at pagkain.’’

“Tama ang desisyon mo na kunin siyang bodyguard. Noon ko pa sana isa-suggest sa iyo pero baka ayaw mo.’’

“Kailangan ko talaga ng bodyguard Itay.’’

“Talagang dapat may bodyguard ka, Inah. Maraming masasamang tao ngayon. Baka kung ano ang gawin sa’yo. Di ba may mga taong lumalapit at nanghihingi ng pera sa’yo—protection money daw?’’

“Oo nga Itay. At nagbibigay na lamang ako kaysa naman guluhin ang negosyo natin.’’

“Wala ka namang magagawa dahil baka kung ano ang gawin nila sa iyo.’’

“Oo nga po Itay. Kahit may security guard tayo sa entrance e hindi naman nito nasisiguro kung customer o mang-eextort ang mga papasok.’’

‘‘Mabuti nga at si Rocky ang kinuha mong badigard. Tingin ko sa kanya ay hindi basta-basta matatakot ng kung sino riyan. Buo ang loob ni Rocky,’’

“Opo. Sabi ni Kuya Rocky sanay daw siya sa martial arts kaya hindi na niya kailangan ang baril.’’

“Mabuti naman at eksperto siya sa martial arts. E teka, nasan na si Rocky? Ba’t hindi ko nakikita.”

“Nasa kubo, Itay. Hinahakot ang gamit niya. Dun kasi siya titira.’’

“A oo maganda sa kubo. Tamang-tama dahil malapit din dun ang tirahan mo. Kung may mangyari sa’yo e madali kang masasaklolohan ni Rocky.’’

“Oo nga po.’’

Maya-maya, dumating na si Rocky. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with