Kalansay ng dinosaur, nasubasta ng $44-M!
NASUBASTA sa halagang $44.6 million ang natagpuang pinakamalaking stegosaurus skeleton sa New York.
Noong May 2022, nahukay ang kalansay ng stegosaurus sa isang private land sa Colorado, U.S.A. Ang naturang kalansay ng stegosaurus na pinangalanang “Apex” ang tinaguriang isa sa “pinakakumpletong kalansay ng dinosaur” na nadiskubre sa larangan ng paleontology. May sukat ito na 11 feet tall at 27 feet long at mayroon itong 254 fossil bone elements. Tinatayang ang edad nito ay 161 million years old.
Bago simulan ang subasta, umaasa ang Sotheby’s auction house na nagbebenta nito na aabot sa $6 million ang pinakamalaking bid dito.
Ngunit nang nagsimula na ang subastahan, nagulat sila na bumuhos ang tawag mula sa mga telephone bidders at umabot sa 44.6 million ang bid dito.
Dahil dito, nakapagtala si Apex ng pinakamalaking benta sa mga kalansay ng dinosaur. Ang previous record ay $31.8 million para sa kalansay ng T-Rex noong 2020.
Tumanggi ang Sotheby’s na ihayag kung sino o saang bansa nagmula ang winning bidder.
- Latest