^

Punto Mo

Raket ng taga-BIR sa Pasay, iniiyakan ng mga negosyante!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ni BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui ang reklamo ng mga maliliit na negosyante sa Pasay City tungkol sa raket ng tiwaling BIR personnel sa siyudad. Sanamagan! Imbes na sa kaban ng bayan napupunta ang tax na binabayaran ng mga negosyante, sa bulsa ng tiwaling kawani ng BIR napupunta!

Kung sabagay, nangyayari naman ito sa iba pang lugar sa Pinas, subalit talamak na ito sa siyudad ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano. Tsk tsk tsk! Sa Pasay na naman? Ano ba itong gobyerno ni President Bongbong Marcos puro na lang raket.

Kasi nga sa Bureau of Customs, raket din ang inirereklamo ng mga maliliit na brokers at mukhang wala namang interes si Customs Commissioner Bienvenido Rubio na tuldukan ito. Si Lumagui kaya may bayag para labanan itong mga raketers sa BIR sa Pasay? Tanong lang po! Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang unang tanungin ni Lumagui ay sina Regional director Edgar Tolentino, Group Supervisor Jennifer Dalioan, at Revenue Officer Mark John Bolatin, kung gaano katotoo itong raket o pangongotong ng mga tiwaling BIR personnel na kinamumuhian ng mga negosyante sa Pasay.

Ayon sa reklamo ng mga negosyante, omoorbit o tumatawag itong mga tiwaling kawani ng BIR para huthutan sila ng buwis na regular naman nilang binabayaran kada taon. Araguyyy! Nag-iiyakan na ang mga negosyante sa Pasay ay si Lumagui na lang ang hinihintay nilang makialam sa hinaing nila. Tsk tsk tsk! Sana ‘wag gayahin ni Lumagui si Rubio, ‘no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Ayon sa reklamo, noon pa man, may mga “dumidiskarte” ng BIR personnel sa mga ­businessmen para pababain ang binabayarang buwis. Kahit mali, tanggap umano ng mga negosyanteng ito na pumayag sa illegal na style ng paniningil sa kanila noong nakalipas na dalawang taon.

Para sa kaalaman ni Lumagui, ganito ang sistema ng tiwaling kawani ng BIR: Halimbawa, ang babayarang buwis sa taon 2022 at 2024 ay nasa P500,000, sinisingil lang ang mga negosyante ng P300,000. Kaya lang ang resibong ibibigay sa kanila ay mula P80,000 hanggang P100,000. Araguyyyyy! Ang laki naman ng nalulugi sa kaban ng bayan, ano mga kosa? Siyempre, pabor din ito sa mga negosyante kasi nakamenos sila ng P200,000. Dipugaaaaa! Anong sey mo Commissioner Lumagui Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya naman nagrereklamo na ang mga negosyante kasi imbes na may maisubi sila sa bayarin ng tax, ang dating singil na P500,000 ay naging P5 milyon na sa ngayon. Kaygandang raket, ‘no mga kosa? Walang kasabit-sabit eh. Kaya tumaas ang tara dahil ipinasara na ni BBM ang POGO? Sa pagkaalam ko, may 18 POGO ang namumugad sa Pasay at lahat sila ay ginawang gatasan ng tiwaling BIR personnel. Mismooooo!

At ganito ang catch Commissioner Lumagui Sir, sa P5 milyon, magbabayad ang negosyante ng P3 milyon subalit P300,000 lang ang nasa resibo. Dipugaaaaa! Hindi lang ‘yan! May isang grocery owner na sinisingil ng P7 milyon at ang resibo ay P500,000. Mga hinayupak kayo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang paboritong biktima ng mga tiwaling BIR personnel ay ang mga establisimento na tinatangkilik ng mga turistang Chinese, Korean at Taiwanese.
Dipugaaa! Kilos na Commissioner Lumagui Sir! Abangan!

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with