^

Punto Mo

‘Ensaymada’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

AYAW kong kumain ng ensaymada. Alam kong masarap ang ensaymada pero dahil sa karanasang nangyari sa akin noong nasa high school pa ako, nagkaroon ako ng pagkasuklam sa ensaymada at mula noon hindi na ako kumain nito. Makakita lamang ako ng ensaymada ay nasisira na ang mood ko. Nawawala ang gana ko sa lahat kapag nakakita ng ensaymada.

Maski ang mga kaklase ko sa kolehiyo noon ay takang-taka kung bakit hindi ako kumakain ng ensaymada. Masarap naman daw ang ensaymada lalo kung ipapartner sa kapeng barako e bakit daw hate na hate ko ito.

“Precy, tikman mo naman ang dala kong ensaymada. Yan ang special na pasalubong sa aming probinsiya. Sige na, tikman mo!’’ alok ng kaibigan at classmate kong si Cherry.

“Ayoko Cherry. Talagang ayaw ko!’’

“Bakit?’’

Umiling na lang ako. Hindi na ako pinilit ni Cherry at iba ko pang classmate. Iginalang nila ang pasya ko na huwag tumikim ng ensaymada.

Nang nililigawan pa lang ako ng aking mister, madalas siyang magdala ng pasalubong. Kung anu-anong pasalubong ang bitbit niya.

Minsan isang basket na puno ng ensaymada ang dala niya sa bahay nang dalawin ako. (Itutuloy)

 

vuukle comment

FOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with