Nakatakas na pagong, naging dahilan ng delay ng mga tren sa England!
ISANG tortoise na nagngangalang Solomon ang tumakas sa kanyang bahay at naging dahilan ng delay ng apat na tren sa Surrey, Southeast England.
Noong Hulyo 21, namataan ng isa sa mga train driver ng South Western Railway ang isang tortoise na nakaharang sa dadaanang riles, dakong alas sais ng gabi.
Upang mailayo ito sa panganib, ipinatigil mula ang ilang biyahe ng mga tren. Isinakay ng train driver ang tortoise sa minamaneho niyang tren at dinala sa pinakamalapit na train station, ang Ascot Station.
Napag-alaman na ang tortoise na nagngangalang Solomon ay tumakas sa kanyang kulungan, isang bahay na malapit sa Ascot Station.
Nang makasigurado na walang injury si Solomon, agad namang naibalik ang tortoise sa may-ari nito. Humingi ng paumanhin ang South Western Railway sa mga naapektuhang pasahero ng apat na na-delay na mga tren.
Nakiusap din sila sa mga residente malapit sa mga riles na siguraduhin na walang butas ang mga bakod ng kanilang property upang hindi makatakas at mapunta sa riles ang kanilang mga alagang hayop.
- Latest