^

Punto Mo

EDITORYAL - Bumabaha dahil sa reclamation projects

Pang-masa
EDITORYAL - Bumabaha dahil sa reclamation projects

Muling bumaha sa Metro Manila noong Miyerkules na walang ipinagkaiba sa baha na dinulot ng Bagyong Ondoy noong Setyembre 25, 2009. Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina ang nanalasa sa MM at maraming lugar sa Luzon. Marami ang umakyat sa bubong ng kanilang bahay para makaiwas sa baha. May mga sasakyang nalubog at may mga bahay na tinangay ng agos.

Basura raw ang dahilan kaya naging malubha ang baha. Sinira ng basura ang pumping stations. Bumara ang basura. Hindi makaagos sa dagat ang baha.

Pero mas kapani-paniwala na ang mga ginagawang reclamation projects sa Manila Bay ang dahilan kaya lumubog ang MM. Dahil mababa na ang MM, nakatinggal ang tubig dito at matagal humupa.

Maski ang mga senador at environmentalists, ang reclamation sa Manila Bay ang tinuturong dahilan kaya nangyayari ang pagbaha. Malaki na umano ang inilubog ng MM dahil sa ginagawang reclamation.

Ang nangyayaring ito na malawakang pagbaha sa MM ay hindi dapat ipagwalambahala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang DENR ang may responsibilidad sa paglubog ng MM na kung hindi bibigyan ng atensiyon ay maaring matulad sa Jakarta, Indonesia na ayon sa report ay mabilis ang paglubog. Laging binabaha ang Jakarta.

Kung pagbabatayan ang mga matitinding pagbaha na matagal bago humupa, masasabi ngang lubog na ang Metro Manila at ang dahilan ay ang patuloy na reclamation projects sa Manila Bay.

Ipinahinto na ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang lahat nang reclamation projects sa Manila Bay noong Agosto 7, 2023 subalit patuloy na sinusuway ng mga kompanya. Patuloy ang kanilang reclamation sa Manila Bay at maging sa Cavite. Sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) may mga dredging vessels na nagsasagawa ng seabed quarrying sa Cavite. Ang dredging operations umano ay nagpapatunay na pagkukunwari lamang ang suspension order ng Presidente. Dapat daw magbaba ng official executive order ang Presidente ukol dito.

Nararapat kumilos ang DENR at ipatupad ang kautusan. Sila ang dapat manguna. Magkaroon ng ngipin sa mga kompanyang patuloy sa pagtatambak at paghuhukay sa Manila Bay at iba pang karatig lugar. Hindi masosolusyunan ang pagbaha sa Metro Manila hanggat patuloy ang reclamation.

Mauulit ang pagbaha sa MM at mas matindi pa kung hindi matitigil ang pag-reclaim at mga ­paghuhukay sa Manila Bay. Kailan kikilos laban sa mga tumatampalasan sa kalikasan?

ONDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with