‘Gasera’

(Part 2)

APAT kaming magkakapatid at kapag nag-aaral o gumagawa ng assignment sa gabi ay tigi-tigisa kami ng ginagamit na gasera. Si itay ang gumawa ng mga gasera, Sabi ni Itay, nasa mitsa ang buhay ng gasera. Kapag maganda ang mitsa, matagal ang buhay ng gasera. Mga lumang puting damit (cotton) ang ginamit ni Itay na mitsa. Mahaba ang mitsa kaya sumisipsip ng gas.

Pinag-iingat lamang kami ni Itay sa pagamit ng gasera at baka matabig ay matapon ang gas at pagsimulan ng sunog. Ang aming sahig ay kawayan na madaling magliyab kapag natapunan ng gas.

Kaya ang ginagawa ni Itay, inilalagay sa maliit na planggana na may tubig ang gasera para kung matabig at matumba ay hindi kakalat ang gas sa sahig.

Isang gabi na sabay-sabay ka­ming magkakapatid na nag-aaral at gumagawa ng assignment, biglang naubos ang aming gas. Kailangan pa naman naming matapos ang assignment.

Hindi makapunta sa bayan si Itay sapagkat sarado na ang mga tindahan na nagtitinda ng gas. Malayo naman ang nag-iisang gas station.

Problemado si Itay at si Inay.

Hanggang may naisip akong paraan.

(Itutuloy)

Show comments