Bagyong Carina at Maisug sabay nanalasa!

SUMABAY sa pagsalanta ng bagyong si Carina sa bansa, ang angas ng grupong Maisug sa pananalbahe sa pagkatao ni Pres. Bongbong Marcos. Hmmm!

Nag-iimpake na ng ayuda ang gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo. Naghahanda na rin ng piyansa ang mga dadamputin ng PNP-CIDG na nagpakalat ng diumano’y retokadong video na sumisinghot si Bonget ng bawal na droga.

Napagbibintangan ang grupo ni Harry Roque na sangkot sa krimen dahil nakunan din ng video na kinukumbinsi nito ang mga dumalo sa Maisug meeting sa U.S. na i-share ang “singhot video” at palaganapin pa ito. ‘Yun o!

Tukoy na ng NBI ang mga kasangkot at malamang na naghahanda na ng pampiyansa ang mga ito. Asintadong pulis, abogado at naging judge si NBI Director Jimmy Santiago. May asim ‘yan!

Abogado at may pera si Harry Roque at alam niya kung paaano siya lulusot. Kawawa naman ang mga sumunod sa kanya na masasabit sa kaso. ‘Di bale, maisug naman kayo eh! Di ba?

Show comments