^

Punto Mo

Maid of Honor (191)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NANG mamatay ang asawa ko dahil sa kanser, nawalan­ na ako ng pag-asa,’’ sabi ni Rocky. “Gusto ko na ring mamatay. Sabi ko sa sarili, ano pa ang halaga ng buhay kung wala ang aking asawa. Nahiling ko na sana ay kunin na rin ako ng Diyos para magkasama na kami ng mahal kong asawa.

“Kahit hindi ako nabigyan ng anak ng aking asawa dahil­ may problema siya sa matris, hindi iyon naging dahilan para hindi ko siya mahalin nang todo. Walang kapantay ang pagmamahal ko sa aking asawa. Kaya nga apek­tadung-apektado ako nang mawala siya.

“Natuto akong uminom ng alak, napabayaan ko ang aking trabaho dahilan para ako tuluyang tanggalin. Madalas ay sa puntod ng aking asawa ako naglalagi. Doon na ako natutulog. Bumibili ako ng alak at doon ko iniinom.

“Minsan sa kalasingan ko, naglakad ako at nakarating sa may Marikina River. Lumusong ako sa tubig at nagtangkang magpakalunod pero may nakakita sa akin kaya nailigtas ako.

“Hindi na ako umuuwi sa aming bahay sa Calumpang kaya napabayaan ko. Naging marumi ang bakuran dahil sa mga laglag na dahon. Lumago ang damo sa paligid kaya nagmistulang haunted house.

“Nang minsang magtungo ako sa bahay, pinayuhan ako ng matandang lalaking kapitbahay na umuwi na at ayusin ang buhay. Pero hindi ako nakinig. Nasabi ko na lang sa matanda na wala na akong interes sa lahat. Hindi ako napilit ng matanda.

“Patuloy akong tumira sa libingan ng aking asawa. Nagpatuloy sa pag-inom ng alak. Hanggang sa isang gabi, hindi ko alam kung nananaginip ako, kinausap daw ako ng aking­ asawa. Nakaitim ang suot niya. Malungkot ang mukha hang­gang umiyak…”

Hindi naman humihinga si Inah. Natatangay siya sa ikinukuwento ni Rocky. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with