^

Punto Mo

Pinakamaliit na restaurant sa mundo, matatagpuan sa Finland!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG restaurant sa Iisalmi, Finland ang nakapagtala ng world record dahil sa pagiging maliit nito!

Noong 1994, ibinigay ng records keeping organization na Guinness World Records sa restaurant na Kuappi ang titulong “World’s Smallest Restaurant” dahil sa sukat nito na 86 square feet. Pagkalipas ng 30 taon, wala pa ring nakakatalo sa record na ito at ang Kuappi pa rin ang nananatiling pinakamaliit na restaurant sa buong mundo.

Ayon sa may-ari nito, ang layunin ng pagtatayo ng Kuappi ay upang magbigay ng kakaibang karanasan sa pagkain sa mga bisita. Ang restaurant ay dinisenyo para lamang sa dalawang tao, kaya nag-aalok ito ng isang napaka-intimate at eksklusibong setting para sa kainan.

Dagdag pa nito, ang konsepto ng Kuappi ay hindi lamang para mag-serve ng pagkain kundi upang lumikha ng isang memorable na karanasan na naiiba sa karaniwang mga restaurant.

Ang kakaibang sukat at setting ng Kuappi ay naging isang atraksyon sa mga turista at mga lokal na naghahanap ng espesyal na dining experience.

Bukas lamang ang Kuappi tuwing summer season. Upang makapag-dine in dito, kailangang magpa-reserve ng dalawang araw in advance dahil sikat ito sa mga turista at pati na rin sa mga lokal na residente.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with