Kakaibang breed ng kambing, binigyan ni king charles iii ng royal title!
BINIGYAN ng royal title ni King Charles III ang kakaibang breed ng kambing na Golden Guernsey Goat!
Noong Hulyo 16, bumisita si King Charles III ng United Kingdom sa Guernsey. Ang Guernsey ay isa sa mga Channel Islands, na matatagpuan sa English Channel malapit sa baybayin ng Normandy, France.
Isa itong crown dependency ng United Kingdom, na nangangahulugang ito ay may sariling pamahalaan at mga batas, ngunit ang U.K. ay responsable para sa depensa at internasyonal na representasyon nito. Ang Guernsey ay kilala rin sa kanyang agrikultura, lalo na ang mga baka at kambing na kilala sa kanilang mataas na kalidad na gatas.
Sa pagbisita ng hari roon, ang isa sa kanyang mga pakay ay bigyan ng royal title ang breed ng kambing na Golden Guernsey Goat at tatawagin na itong Royal Golden Guernsey Goat.
Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na nagbigay ang royal family ng ganitong titulo sa isang livestock breed. Naisipan na bigyan ito ng royal title dahil ang breed na ito ay malapit ng ma-extinct at considered “at risk” na ito ayon sa U.K.’s rare breeds watchlist. Naniniwala sila na kapag nagkaroon na ito ng royal title ay magkakaroon ng awareness ang karamihan sa pagkaubos ng lahi ng mga Royal Golden Guernsey Goat.
Sa royal ceremony ang naging representative ng lahat ng mga Golden Guernsey Goat ay si Summerville Tamsin para siya ang tumanggap ng titulo mula kay King Charles III. Ang royal title na ito ay applicable sa lahat ng Golden Guernsey Goat sa buong mundo.
Ang breed na Golden Guernsey Goat na binigyan ng royal title ni King Charles III.
- Latest