^

Punto Mo

Sen. Imee, upakan mo talamak na smuggling sa Customs!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

“BILANG na ang mga araw ng mga smugglers at hoarders!” ‘Yan mga kosa ang pagbabanta ni President Bongbong Marcos sa kanyang 2nd SONA noong nakaraang taon. Subalit naipatupad ba? Kasi kung magbasa ka ng diyaryo, maikinig ka ng radio at manood ng television, abayyyyy panay ang laman ng balita ay ang hoarding at smuggling ng mga bigas at iba pang basic commodities na ang pinapahirapan o apektado ay ang mga mahihirap na Pinoy. Mismooooo!

Hindi lang ‘yan, inirereklamo rin ng mga may trabaho sa pantalan na itong liderato nina Customs chief Bienvenido Rubio at Deputy Customs Commissioner Vener Baquiran ay may pinapaboran na Customs brokers. Araguyyyyy! Kaya’t dapat kumilos sina presidential sister Sen. Imee Marcos at Sen. Raffy Tulfo na imbestigahan itong rampant smuggling sa mga pantalan ng Pinas? Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Para sa kaalaman nina Rubio at Baquiran, ang reklamo ng mga ordinaryong Custom brokers ay mismong empleyado ng ahensiya ang kumikilos bilang ahente, broker at mga smugglers? Araguyyyyy!

Ganito pala ang sistema nila, ayon sa mga ordinaryong Custom brokers. Anila, ang singil sa kanila ay P150,000 hanggang sa P200,000 para sa tinatawag na standard price kada container. Samantalang, ang mga pinapaborang brokers ay sinisingil lamang ng halagang P70 kada lata o container ng kargamento. Dipugaaaaa! Saan ang hustisya?

Dahil 50 porsiyento ang discount kada container, abayyyyy ang mga nagpaparating sa pantalan ay lumilipat na sa mga empleado ng ahensiya para makamenos “Wala ring huli kapag sa kanila magparating pero kapag sa ibang broker, katakot takot na panggigipit pa ang ginagawa para lamang sumuka uli ng lagay,” ayon sa mga nagrereklamo. Sanamagan! Dapat i-level lang ang playing field. Ano sa tingin n’yo Bossing Rubio at Baqueran Sir’s? Ang sakit sa bangs nito!

Hindi lang naman ang mga ordinaryong Custom brokers ang nagrereklamo kundi maging ang mga matinong empleado ng ahensiya. Anila, kapag dumaan sa tanggapan nila ang pinapaborang shipments, “libre” ito. Ang ibig sabihin ay walang “lagay”. Siyempre, tuloy-tuloy lang ang kargamento at walang ni sinong Pilato na puwedeng gumalaw nito. Kaya nganga sila. Juicekolord!

Kung sabagay, dapat talagang walang lagay dahil pinapasuweldo sila ng gobyerno. Get’s n’yo mga kosa? Ang tanong, paano kung droga ang ipinarating? Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang masakit pa, may “lagay” o lingguhang payola pa sila sa kanilang amo, anang mga empleado. Ano ba ‘yan? Kapag hindi ka nagbigay ng “quota” tanggal ka at maraming nakapilang papalit na papayag sa kalakaran ng amo nila. Tsk tsk tsk! Ano ba ang nangyayari sa pantalan ng Pinas? Puro pitsa ang lakad. Ano pa nga ba?

Kapansin-pansin din na ang lahat ng parating na imported vehicles, partikular na ang mga luxury at high end vehicles ay kailangang si Rubio lamang ang puwedeng “magpapasok.” Ano ang ibig sabihin nito? “Labas pa riyan ang sindikato ng oil smuggling at cigarette smuggling,” sabi ng isang Customs examiner. Mismooo!

Isang nangangalang Noel Bucaling ang dapat ding umanong tanungin kung totoo bang may illegal na transaskiyon sa BOC. Dipugaaaaa! Damay-damay na ito. Abangan!

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with