^

Punto Mo

EDITORYAL - Alice Guo, asan na?

Pang-masa
EDITORYAL - Alice Guo, asan na?

ILANG beses nang inimbitahan ng Senado si suspended Bamban, Tarlac mayor Alice Guo pero hindi ito sumisipot. Nang silbihan ng warrant of arrest noong nakaraang linggo, wala sa nakasaad na address. Mara­ming naghihinala na baka nakaalis na sa bansa si Guo.

Pero sabi ng kanyang abogado, narito raw sa bansa si Guo at lagi silang nag-uusap. Pinayuhan na nga raw niya na sumipot ito sa pagdinig. Nagka-trauma raw si Guo at mayroon din itong banta sa buhay.

Sinilbihan ng warrant of arrest ng Senado si Guo at pitong iba pa noong Hulyo 13 pero hindi matagpuan. Tanging ang accountant ni Guo ang naaresto ng Senado at nasa detention facility na. Nakahanda na ang paglalagakan kina Guo at iba pa sa Senado sa sandaling sumuko na ang mga ito. Nahaharap si Guo sa mga reklamong may kinalaman sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Inirereklamo si Guo sa mga natuklasang illegal POGOs sa Baufu Compound sa Bamban. Ayon sa Senado, incorporator si Guo sa mga sinalakay na POGOs. Ang compound ay pag-aari umano ni Guo na tinanggi naman nito. Malapit lamang sa Bamban Municipal Hall ang mga sinalakay na POGOs.

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na posibleng makaalis ng bansa si Guo gamit ang Chinese passport nito. Ayon sa senador si Alice Guo at si Guo Hua Ping ay iisa. Sa pag-iimbestiga naman ng National Bureau of Investigation (NBI), kinumpirma na iisa ang fingerprint ni Alice Guo at Guo Hua Ping. Sabi pa ni Gatchalian, parehong ginagamit ni Alice Guo ang kanyang Chinese at Philippine passports mula 2008 hanggang 2011.

Maaaring mangyari ang mga sinabi ni Gatchalian na makalabas ng bansa si Alice Guo gamit ang kanyang Chinese passport. Wala namang imposible sa mga sinabi ng senador sapagkat laganap ang korapsiyon sa bansa. Makapangyarihan ang pera at maraming nasa tanggapan ng gobyerno ang maaaring tapalan ng pera.

Patunay dito ang sinabi ni Gatchalian na sa halagang P300,000 ay maaari nang makakuha ng valid Philippine passport at birth certificate ang mga dayuhan. Wala raw kahirap-hirap sapagkat may mga taong nagla­lakad para makakuha ng mga kailangang dokumento.
Paano nga kung nakaalis na sa bansa si Alice Guo? Paano kung nakalusot siya sa Bureau of Immigratiom (BI)? Maraming BI officials ang nasangkot sa “pastillas scam” noong 2021 nang makapasok sa bansa ang maraming Chinese, kapalit nang mahalagang halaga ng pera.

Kung wala na si Guo sa bansa, maraming Pilipino ang kanyang napaglalangan. Mas lalo ang mga taga-Bamban na napaniwala at kanila pang binoto. Ang laking pagkakamali at katangahan!

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with