^

Punto Mo

Body hacks: Para-paraan para maginhawahan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung stressed ka, hilamusan ang mukha ng cold water.

• Para marelaks nang mabilisan, marahang imasahe ang earlobes ng dalawang minuto. Ang earlobes ay ibabang bahagi ng tenga na sinasabitan ng hikaw.

• May pagkakataong kailangan mong pigilan ang ­paghatsing dahil nasa isang formal event ka at magiging kahiya-hiya ka kapag nagkataon. Upang mapigilan o humatsing man ay magi­ging mahina ito, ganito ang gawin mo: Isara ang iyong bibig, habang dinidilaan mo ang iyong ngala-ngala at gums.

• Ngunit nakakayamot din kapag hahatsing ka na sana pero hindi ito matutuloy. ‘Yung kailangang humatsing ka para magkaroon ka ng satisfaction at kaginhawahan. Upang mapahatsing ka, tumitig ka sa bombilyang nakailaw.

• Sa gabi bago matulog, biglang mangangasim ang sikmura mo pagkatapos mong humiga. Darating pa sa punto na para kang mapapasuka na laway lang ang lumalabas. Para maiwasan ang ganitong pangyayari, Humiga ka nang patagilid sa iyong left side.

• Kung nasa crowded place ka na maingay at may kausap, ilapit mo ang iyong kanang tenga malapit sa bibig ng iyong kausap. Ang kanang tenga ay magaling sa pag-pick up ng rhythms of speech. Ang kaliwang tenga naman ay magaling sa pag-pick up ng musical tones. Kung nanonood ng concert sa maingay na paligid, kaliwang tenga ang itutok mo sa direksiyon ng stage kung saan nagpe-perform ang artist para maintindihan mo ang kinakanta nila.

• Kung masakit ang ngipin, ibabad sa  yelo ang pagitan ng hintuturo at hinlalaki. Ito ‘yung v-shapes area sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki. Mga 50 percent ng sakit ay mababawasan ayon sa pag-aaral na ginawa ng Canadian researchers.

HACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with