^

Punto Mo

Mga hindi mo alam tungkol sa pagtulog (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung ikaw ay kulang sa tulog, wala pang limang minuto ay tulog ka na pagkatapos mong mahiga sa kama. Kung husto naman lagi ang tulog mo, 10 hanggang 15 minuto pagkatapos humiga ang hihintayin mo bago makatulog sa gabi.

• Ang nagiging dahilan ng insomnia ay stress, physical or mental illness, living or sleeping arrangements, family history, shift work, diet and exercise habits.

• Nakakabawas sa performance ng trabaho ang hindi pagtulog ng straight na 16 na oras. Ang kilos mo ay maihahalintulad sa isang lasing.

• Lalong ginugulo ng pag-inom ng sleeping pills ang natural na proseso ng pagpapaantok hanggang makatulog.

• Ang regular na pag-e-exercise sa araw ay nagpapahimbing ng tulog. Ngunit lalo kang mahihirapang antukin kung ang exercise ay gagawin mo sa gabi bago matulog.

• Ang nanay na nagpapasuso ng kanilang sanggol ay mas maraming oras ang naitutulog kaysa hindi nagpapasuso.

• Mas kakaunti ang naitutulog ng ama kaysa ina kapag may sanggol silang inaalagaan.

• Kapag nagsasalita sa pagtulog ang parents, malaki ang posibilidad na ang ibang anak ay ganoon din. May kinalaman ito sa genetic link.

• May paniwala ang mga Amerikano na nakakabangungot ang pagkain ng cheese. Ngunit ito ay pinabulaanan ng mga eksperto at sa halip ay sinabing may mga klase ng cheese na nagdudulot ng iba’t ibang klase ng panaginip.

• Sa United Kingdom, pinapayuhan ang buntis sa kanyang third trimester (28th week) na patagilid dapat matulog at iwasan ang patihayang posisyon upang maiwasan ang fetal death.

SLEEP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with