^

Punto Mo

Mga hindi mo alam tungkol sa pagtulog

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
  • Mas mabilis makatulog kung minamahal mo ang iyong katabi sa higaan. Ang mararanasan mo ay tinatawag na “restorative sleep” na kailangan ng utak para sa magandang kalusugan. Ito ‘yung tulog na pagkagising mo ay feeling nakapagpahinga ang iyong katawan at isip nang maayos.
  • Mas mahaba ang itinutulog ng mga babae kaysa mga lalaki dahil karamihan sa kanila ay maraming ginagampanang gawain kaya mas matagal namamahinga ang pagod na isipan at katawan. Pero sila rin ang may tendency na magka-insomnia.
  • Ayon sa researchers, ang pagsusuot ng medyas sa pagtulog ay nakaka-improve ng orgasm.
  • Isa sa bawat 3 adults ay natutulog nang hubad. Ang pagtulog nang hubad ay nakakatulong para mabawasan ang stress at nakakapagpataas ng self-esteem.
  • Noong hindi pa naiimbento ang alarm clock, may mga taong ang trabaho ay tagagising ng mga tao upang hindi mahuli sa trabaho. Mayroon silang mahabang stick na ipinangtutuktok sa bintana ng kanilang kliyente upang mabilis itong magising sa pagkakahimbing.
  • Ang mga magulang ng bagong silang na sanggol ang madalas na kakaunti lang ang naitutulog habang pinapalaki ang kanilang anak. Kung pagsama-samahin ang oras ng pagtulog na nawawala sa parents, mga 6 months worth of sleep ang nawawala sa kanila sa first 2 years  ng kanilang sanggol.
  • Magaling magpaantok ang pakikinig ng classical music.
  • Inamin noon ni Donald Trump na siya ay “short sleeper”. Mga limang oras lang o kaunti pa ang  naitutulog niya kada gabi.
  • Mga lalaki at mga bata ang madalas na nagsasalita sa kanilang pagtulog.
  • Mga taong ang trabaho ay regular na sumasakay ng eroplano ang madalas na kulang sa tulog. Flying at high altitude leads to disturbed sleep dahil sa kakulangan ng oxygen. (Itutuloy)

TULOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with