^

Punto Mo

Toneladang shabu sa Alitagtag, saan galing?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SAAN galing ang toneladang shabu na nakumpiska sa police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15? Nasunog na ang P1.4 bilyong halaga ng shabu, subalit hanggang sa ngayon wala pang linaw kung may kasagutan na ang tanong sa itaas. Get’s n’yo mga kosa?

Kung si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ang tatanungin, ang shabu ay galing sa Mexico. Ang ginawang basehan ni Nartatez sa kanyang tinuran ay ang kulay ng shabu na “yellowish.” Dipugaaa!

Di naman puwedeng kontrahin si Nartatez dahil siya at si Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang nagpa-follow-up sa kaso. Ang ibig sabihin, may alam sila, di ba mga kosa? Ano kaya ang masasabi nina PDEA director Moro Lazo at PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon naman kay Ajalon Michael Zarate, 47, ang driver ng Foton van na may lamang shabu, may nakita s’yang nakasulat na “Thailand” sa mga bloke o saku-sakong diniskarga nila sa yate sa Maya-Maya beach sa Nasugbo, Batagas. Ang una nilang shipment, ani Zarate ay umaabot sa 30 sakong shabu. Araguyyy!

Pang-ilang beses na silang nagdiskarga ng shabu ng matiklo siya sa Alitagtag, ani Zarate. Sinabi naman ni Nartatez na maaring na-repack lang ang mga shabu sa Thailand. Kung sabagay, may katwiran naman si Nartatez dahil sa sobrang layo ng Mexico baka hindi na makayanan ng yate na magbiyahe diretsong Pinas. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Zarate ang may-ari ng shabu ay si Thomas Gordon O’Quinn, o James Toby Martin alyas JM. Si O’Quinn na wanted ng Interpol sa kasong droga, ay naaresto sa Tagaytay City ng combined NCRPO at Calabarzon police at kinasuhan na sa Department of Justice. Hindi naman sinabi ni O’Quinn kung saan galing ang kanyang shabu. Tsk tsk tsk!

Babaunin ni O’Quinn ang kanyang sekreto sa kabilang buhay. Mismooo! Kaya lang, mapo-pong din nina Nartatez at Lucas ang source ng shabu ni O’Quinn, di ba mga kosa? Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Nartatez na na-raid nila ang warehouse ni O’Quinn sa Makati City kung saan narekober nila ang OR/CR ng black Land Cruiser ni O’Quinn na inabandona sa isang probinsiya sa Luzon. May tatlo o apat na foreigner na silang hinahanting, ani Nartatez. Malakas ang paniwala nina Nartatez at Lucas na nasa Pinas pa ang mga kasabwat na foreigner ni O’Quinn. Makokorner din kayo. Mismooo!

Hindi lang ang sasakyan ni O’Quinn at iba pang gamit ang inilit ng gobyerno kundi maging ang apat na yate na pinaniniwalaang ginagamit sa pagdala ng shabu sa Pinas. Ang mga yate ay may pangalang Mr. Kiwi, Sooontuz, Solar Boat at Sy Aragon. Nag-isyu ang Bureau of Customs ng warrant of detention laban sa apat na yate noong Hunyo 27 bunga sa paglabag ng Section 1113 ng R.A. 10862 o the Customs Modernization ang! Tariff Act. Ang mga yate ay nai-turnover na sa Manila’s auction and cargo disposal division ng BOC. Eh di wow!

Pasasaan ba’t mabubuo rin ang istorya nitong shabu na narekober sa Alitagtag, di ba mga kosa? Tiyaga-tiyaga lang! Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with