^

Punto Mo

Maid of Honor (179)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, hindi inaasahan ni Yana na naghihintay na sa kanya si Ram sa gate ng unibersidad. Maagang pumasok si Yana pero mas maaga pa pala sa kanya si Ram.

“Ang aga mo Ram?’’

“Oo nga inagahan ko dahil gusto na kitang makita.”

Ngumiti lang si Yana pero sa totoo lang umaapaw ang kaligayahan sa kanyang puso. Kahapon, nang mag-usap sila ni Ram sa phone ay sinabi rin nitong gusto na siyang makita.

“Ang tagal kong absent di ba kaya na-miss kita, Yana.’’

Ngiti lang ang tinugon ni Yana. Ano ba ang isasagot niya? Alangan naman na sabihin niyang na-miss din niya si Ram.

“Halika dun muna tayo sa fastfood na yun. Matagal pa naman bago mag-bell. Magkape at burger tayo.’’
“Sige, Ram.’’

Pumasok sila sa fastfood. Pumili sila ng table. Umorder si Ram ng dalawang coffee at dalawang cheese burger.

‘Kumusta ka na Yana?’’

“Okey naman, Ram.’’

“Hindi ka na ba hinarang ng dalawang lasing?’’

“Hindi na. Natakot na ­siguro.’’

“Mabuti naman at wala nang gumambala sa’yo habang wala ako.’’

“Nag-iingat na rin ako Ram. Kapag alam kong may sumusunod sa akin ay nagmamadali ako para hindi na magkaroon ng pagkakataon na molestiyahin ako.’’

“Tama yun.’’

Dumating ang order nila. Kumain sila.

“Ang sarap ng burger nila ‘no, Yana?’’

“Oo.’’

Humigop ng kape si Ram.

“Pati kape ang sarap.’’

“Siyanga pala Ram, narito sa bag ko ang mga notes. Makakatulong ito.’’

“Salamat Yana. Napakabuti mo. Kaya gustung-gusto kitang makita.’’

Nag-umapaw na naman ang dibdib ni Yana sa kaligayahan.

Umiibig kaya si Ram sa kanya?

Bakit ganun lagi ang sinasabi ni Ram sa kanya?

“Anong iniisip mo Yana?’’

“Ha a e wala, Ram.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with