^

Punto Mo

Maid of Honor (178)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAWAGAN agad ni Yana sa messenger si Ram.

“Good evening Ram. Kumusta ka na?’’

“Mabuti naman Yana. Salamat at tumawag ka.’’

“Gusto ko lang malaman ang kalagayan mo. Ang mama mo, kumusta na siya?’’

“Okey na siya, Yana. Siyanga pala, bukas ay papasok na ako.”

“Talaga?”

“Babantayan si Mama ng auntie ko.’’

“Mabuti at papasok ka na. Iginawa nga pala kita ng notes para hindi ka mahirapan sa paghabol sa aralin natin. Basahin mo lang yun ay makaka-follow ka na.’’

“Maraming salamat Yana.”

“Tumatanaw lang ako ng utang na loob. Hindi ko malilimutan ang ginawa mong pagli­ligtas sa akin sa dalawang ­lasing. Kaya naipangako ko, gagantihan din kita ng kabutihan—at yun nga, iginawa kita ng notes sa bawat subject natin.’’

“Salamat Yana. Na-miss tuloy kita. Gusto na kitang makita.’’

Natuwa si Yana sa sinabi ni Ram pero hindi siya nagpahalata.

“Siya nga pala, Ram, sabi ni Ate Bianca, isama raw kita rito sa amin para makilala ka niya. Ikinuwento ko kasi ang ginawa mong pagliligtas sa akin sa dalawang lasing. Hangang-hanga siya sa’yo.’’

“Talaga? Sige sa Sunday, punta ako diyan sa inyo.’’

“Sige Ram, sabihin ko kay Ate.’’

“Okey Yana. Bukas kita na lang tayo sa school. Gusto na kitang makita.’’

Hindi agad nakasagot si Yana pero sa loob niya, nag-uumapaw ang kasiyahan dahil sa sinabi ni Ram.

“Bye Ram,’’ sabi ni Yana. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with