^

Punto Mo

CCTV cameras, susi sa paglutas ng kaso nina Lopez at Cohen!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKING papel ang ginampanan ng closed-circuit TV camera (CCTV) para malutas ang kaso nina beauty queen Geneva Lopez at Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen.

Ayon kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco ang tinutumbok nilang motibo ay ang pagsangla ng pitong ektaryang lupa ng AWOL cop na si Michael Guiang kay Lopez. Tsk tsk tsk!

Sina Lopez at Cohen ay inireport na missing nung June 21. Ang huling balita ay makipagkita sila kay Guiang tungkol nga sa naisanlang lupa na gustong kunin na ni Lopez. Get’s n’yo mga kosa? Tsk tsk tsk!

Napakababaw na dahilan para pumatay ng tao, ‘no mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Personal na pinangasiwaan ni Francisco ang galaw ng mga tauhan niya para malutas ang kaso sa lalong madaling panahon. Marami na kasing report ng patayan sa Pinas, maging ang dalawang Chinese na investors sa Camarines Sur. Ayaw ni Francisco na mapapahiya na naman ang liderato ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Simple pero rock, ‘no mga kosa?

Ang initial information lang ni Francisco ay sina Lopez at Cohen ay magkikita ng kausap patungkol sa lupa sa Tarlac City. Kaya inutusan ni CIDG director ang bataan niya na usisain ang lahat ng CCTV cameras ng mga establisyemento mula Pampanga papuntang Tarlac City. Mismooo!

Naka-jackpot ang mga tauhan ni Francisco sa isang gasoline station sa Bgy. Sto. Cristo sa Capas, Tarlac. Makikita sa CCTV footage na may nag-aabang na puting Nissan Tierra ni Abuzo sa isang gilid ng gasolinahan at maya-maya pa ay dumating ang Silver Nissan Tierra na lulan sina Lopez at Cohen. May kasunod naman na dumating na sasakyang Ford Everest na sakay naman si Guiang.

Si Abuzo ay lumapit kina Guiang, Lopez at Cohen at sila ay nag-usap. Siyempre, hindi alam ni Francisco kung ano ang pinag-usapan ng apat, Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maya-maya pa lumisan ang tatlong sasakyan in convoy at sa patuloy na pag-backtract ng CIDG operatives sa CCTV footages sa daraanang kalye, ay humiwalay ang sasakyan nina Lopez at Cohen, na ang nagmamaneho na ay si Jeffrey Santos. Sinabi ni Francisco na si Santos ang unang natiklo sa pamamagitan ng kanyang cell phone. Hindi ko na masyadong i-explain ito kasi baka masunog ang kapulisan sa susunod na paglutas nila ng mga kaso.

At sa cell phone din ni Santos na-trace sina Guiang at Abuzo. Nais sunggaban ng CIDG operatives sina Guiang at Abuzo na hindi lumalabas ng kanilang bahay subalit pinigil sila ni Francisco. Para maging legal ang lakad, nag-apply ng arrest warrant ang CIDG at hayun…swak sa banga sina Guiang at Abuzo. Kahit dalawang araw na walang tulog si Francisco sa pagbigay instruction sa kanyang mga bataan, sulit naman dahil na-pong sina Guiang at Abuzo. Dipugaaa!

May dalawa pang sumuko sa kaso, samantalang may dalawa pang nakalaya, at isa rito ay kilala na. Isa sa mga sumuko ay kasama ni Abuzo, na nakonsensiya at inilahad ang buong pangyayari sa araw na ‘yun. Ang nakonsensiya ang nagturo sa sunog na sasakyan at sa libingan ng dalawang biktima. Sanamagan!

Ayon kay General Marbil. old school sleuthing ang ginamit ni Francisco para malutas ang kaso. Sina Abuzo at Guiang ay pinresenta nina Interior Sec. Benhur Abalos, Marbil, Francisco at PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo sa media sa Camp Crame. Nakatakip ang mukha ng dalawa ng tuwalya alinsunod sa kagustuhan ng CHR. Ang tanong sa ngayon, sino ang bumaril kina Lopez at Cohen? Dipugaaa! Abangan!

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with