^

Punto Mo

Saligang Batas ang salarin!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KONTAMINADO ng korapsyon ang pamayanan natin dahil sa pulitika. Karamihan ng campaign contributors, iligalistang bumibili ng proteksyon.

Hindi pa talamak ang bawal na droga, jueteng pa lamang ang namamayagpag sa maraming pro­binsiya na protektado ng mga local officials.

Kalaunan, sila na mismo ang naging operators. Halimbawa rito ang Paroginog political clan ng Misamis Occidental.

Walang magawa kahit ang matitinong miyembro ng PNP dahil ayon sa Saligang Batas, nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng mga lokal na opisyal.

Saligang Batas na naging gapos sa kamay ng alagad ng batas. Maliwanag ba?

Ilan lamang sa mga senador at kongresista ang umaakma na repasuhin ito. Karamihan sa kanila, gusto ring maging governor o mayor pagkatapos ng termino sa senado at kongreso.

Kaya karamihan sa kanila, ayaw sa Charter change. Ganun na nga!

Nangangalap ng suporta ngayon sa governors at mayors ang mga kakandidatong senador sa 2025 election.

Naglipana na rin ang mga organisadong image maker na pakawala ng campaign strategists gamit ang social media. Tumalab kaya?

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with