^

Punto Mo

‘Baul’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PROBLEMADO si Nanay kung saan hahagilap ng pera para sa pagpapagamot sa kapatid ko. Marami na ­kaming utang dahil kamamatay lang noon ni Tatay. Wala ring maipahiram ang mga kapatid ni Nanay.

Ako ang naiwan sa bahay dahil si Nanay ang nagbabantay sa kapatid ko sa ospital.

Apektado ako ng problema pero wala naman akong magawa. Naaawa ako kay Nanay.

Pero sabi ni Nanay, malalampasan din namin ang lahat. Basta huwag lang daw bibitiw sa pananalig sa Diyos.

Sabi sa akin ni Nanay, ipagpatuloy ko ang pag-aaral. Running for honors ako. Huwag daw akong aabsent. Siya na lang daw ang magbabantay sa ospital.

Gaya ng dati, bumangon ako ng madaling araw para mag-aral ng leksiyon.

Nakaupo ako sa baul habang nagsusulat. Maya-maya, narinig ko naman ang kaluskos sa loob ng baul.

Hindi ko pinansin. Hindi na ako natatakot. Siguro’y epekto ng problema.

Pero hindi tumigil ang kaluskos.

Hanggang pinakinggan kong mabuti ang pinanggagalingan ng kaluskos. At nalaman ko, sa ilalim ng baul nanggagaling.

Agad kong itinagilid ang baul. Nakita ko ang isang supot na itim na nakadikit sa ilalim ng baul.

Kinuha ko ang supot. Binuksan at ganun na lamang ang pagkagulat ko—mga alahas! Iyon ang mga alahas ni Lola na inakala ni Nanay na nawala.

Kinabukasan, dinala ko kay Nanay ang supot. Napaiyak si Nanay. Nalutas ang problema namin dahil naibenta nang malaki ang mga alahas. Sobra-sobra pa. Nailabas sa ospital ang aking kapatid. Salamat sa alahas ni Lola.

STORAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with