^

Punto Mo

Tinaguriang ‘most premature baby’, nag-celebrate ng 4th birthday!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGDIWANG ng ika-apat na kaarawan ang bata na nakatanggap ng Guinness World Record bilang “Most Premature Baby to Survive”!

Noong Hulyo 5, 2020, ipinanganak ng ginang na si Michelle Butler si Curtis Zy-Keith Means kahit apat na buwan pa lamang niya itong ipinagbubuntis. Dahil premature si Curtis, may bigat lamang na 420 grams na halos kasing laki lamang ng bola ng football.

Siyam na buwan na nanatili sa ospital si baby Curtis at tatlong buwan itong hindi inaalisan ng ventilator.

Nabalitaan ng records keeping organization na Guinness World Records ang tungkol kay Curtis at binigyan ito ng world record title na “Most Premature Baby to Survive”.

Maraming doktor ang nagsabi na 1 percent lang ang tsansa na mabuhay ang ganito kaagang premature birth kaya maituturing na isang miracle baby si Curtis dahil matapos ang apat na taon ay isang malusog na bata.

Sa kasalukuyan, ang timbang ni Curtis ay 14.9 kilos. Napakaaktibo, masayahin at bibong bata.

vuukle comment

PREMATURE BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with