^

Punto Mo

EDITORYAL - Ituro na si Quiboloy

Pang-masa
EDITORYAL - Ituro na si Quiboloy

ALAM daw ni dating President Rodrigo Duterte kung nasaan si Appointed Son of God Pastor Apollo Quiboloy pero hindi raw niya sasabihin. Sinabi ito ni Duterte noong nakaraang linggo sa isang pagtitipon sa Samar. Sekreto raw ang kinaroroonan ng kaibigang pastor.

Sa kabila naman ng mga pahayag ng dating Presidente, wala pang ginagawang hakbang ang Philippine National Police (PNP). Hindi dapat balewalain ang sinabi ni Duterte tungkol sa wanted na pastor. Dapat magsagawa ng pag-iimbestiga kung may katotohanan ang ipinahayag ng dating Presidente na alam ang kinaroroonan ni Quiboloy.

Kung totoo ang sinabi ni Duterte na alam niya ang kinaroroonan ng kaibigang pastor, maaakusahan siya ng obstruction of justice. Maaaring akusahan na pinagtatakpan niya ang pinagtataguan ni Quiboloy na nahaharap sa maraming kaso kabilang ang sexual and child abuse at human trafficking.

Ayon naman sa tagapagsalita ng PNP na si Col. Jean Fajardo, tinitingnan nila na baka nagbibiro lang ang dating Presidente sa sinabi nito. Gusto raw nilang malaman ang buong context ng mga sinabi ni Duterte bago sila gumawa ng hakbang. Pero aaksiyunan daw nila ito kapag nakakalap ng ebidensiya.

Nakapagtataka naman kung bakit magbibiro si Duterte sa kinaroroonan ni Quiboloy. Bakit ­kailangang gawin niya ito? Bakit kailangan pang ­isekreto. Una na niyang sinabi noon na dapat sumunod sa batas si Quiboloy. Matatandaan na pinayuhan pa niya ito na sumuko at harapin ang kaso.

Nang magsisilbi naman ng warrant of arrest ang PNP sa tahanan ni Quiboloy noong nakaraang buwan at nagkaroon ng kaguluhan, sinabi ni Duterte na masyadong marahas ang PNP. Hindi raw dapat nagkagulo at may mga nasaktan pang followers ng pastor.

Hindi malaman kung ano ang mga totoo sa sinasabi ng dating Presidente ukol kay Quiboloy. Sa halip na magkaroon ng kaayusan ay nababahiran ng kalituhan. Kung talagang may pagmamahal ang dating Presidente sa kapayapaan, katahimikan at patas na hustisya, dapat niyang ituro ang kinaroroonan ni Quiboloy. Alam niya ito dahil abogado siya. Hindi na dapat isekreto ang kinaroroonan ng pastor na para bang pinagtatakpan pa niya at pinaglalaruan ang batas.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with